W3C: Web Style Sheets (original) (raw)
Ito ay isang pagsasalin sa Tagalog ng "Web Style Sheets - home page".
Para sa orihinal na bersyon sa Ingles, maaaring tingnan ang: http://www.w3.org/Style/
Ang pagsasalin na ito ay maaaring magkaroon ng mga pagkakamali. Ang tagasalin na si Thomas Ziegler ay hindi maaaring papanagutin sa kahit na anong tuwiran, di-tuwiran, espesyal, o kinalabasang pinsala na dulot ng paggamit ng isinalin na dokumento. Ang orihinal na bersyon sa Ingles lamang ang maituturing na may bisa at may pamantayang pagkukunan ng impormasyon.
Ano ang mga style sheets?
Ang mga style sheets ay naglalarawan kung paano ipinapakita ang mga dokumento sa screen, sa lathalain, maging kung paano sila bigkasin. Ang W3C ay aktibong nagtataguyod ng paggamit ng mga style sheets sa Web mula nang mabuo ang Consortium noong 1994. Ang Style Activity ay nakagawa ng ilang W3C Recommendations (CSS1, CSS2, XPath, XSLT). Ang CSS lalo na ang malawak na naisasakatuparan sa mga browsers.
Sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga style sheets sa mga structured documents sa Web (tulad ng HTML), kayang impluwensyahan ng mga may-akda at mambabasa ang presentasyon ng mga dokumento nang hindi naisasakripisyo ang device-independence o hindi nagdadagdag ng mga bagong HTML tags.
Ang pinakamadaling paraan upang simulan ang page-eksperimento sa mga style sheets ay ang paghahanap ng browser na sumusuporta sa CSS. Ang mga diskusyon tungkol sa style sheets ay naisasagawa sa www-style@w3.orgmailing list at sa comp.infosystems.www.authoring.stylesheets.
Ang W3C Style Activity ay bumubuo na rin ng XSL, na binubuo ng kombinasyon ng XSLT at “Formatting Objects” (XSL-FO).
Bakit dalawang lengguwahe ng Style Sheet?
Nagtataka kung alin ang pipiliin? Basahin ang "CSS & XSL"
Ang pagbuo ng W3C ng XSL at CSS ay nagdulot ng pagkalito. Bakit kailangang bumuo ng ikalawang lengguwahe ng style sheet kung hindi pa natatapos ng mga implementors ang una? Ang kasagutan ay makikita sa talaan sa ibaba:
| | CSS | XSL | | | ------------------------- | ----- | ----- | | Magagamit kasama ng HTML? | oo | hindi | | Magagamit kasama ng XML? | oo | oo | | Transformation language? | hindi | oo | | Syntax | CSS | XML |
Ang mga kakaibang features ay yaong ang CSS ay magagamit upang maistilo ang HTML at XML na dokumento. Ang XSL naman ay kayang ibahin ang anyo ng mga dokumento. Halimbawa, ang XSL ay maaaring gamitin upang ibahin ang anyo ng mga XML na datos at gawing HTML/CSS na dokumento sa Web server. Sa ganitong paraan, napupunuan ng dalawang dokumento ang bawat isa at maaaring gamitin nang magkasama.
Ang dalawang lengguwahe na ito ay maaaring gamitin upang mag-style ng mga dokumentong XML.
Ang CSS at XSL ay gumagamit ng parehong batayan ng formatting model at designers kaya ang mga ito ay may access sa parehong formatting features sa parehong lengguwahe. Ang W3C ay nagsusumikap na masigurong makikita ang mga interoperable na implementasyon ng mga formatting model.
Isang tala ng W3C tungkol sa "Using XSL and CSS together" ay makikita rin.
XSL
Ang W3C ay may grupong nangangasiwa sa pagbuo ng eXtensible Style Language (XSL). Ang XSL ay nabubuo sa DSSSL at CSS at pangunahing tinatarget nito ang mga highly structured XML data tulad halimbawa ng mga nangangailangan ng pagsasaayos ng mga elemento bago ang presentasyon. Para sa karagdagang halimbawa sa XSL tingnan ang W3C XSL resource page.
CSS-DOM & SAC
Ang CSS file ay maaaring magawa at mabago “sa kamay,” halimbawa, gamit ang text editor, subalit maaari ka ring sumulat ng programa sa ECMAscript, Java o iba pang lengguwahe, na nagmamanipula ng style sheet. Ito ay pangkaraniwan na kaya maraming makikitang software libraries ng mga mahalagang tungkulin. Upang matulungang maitindig ang mga nasabing programa at mga libraries sa iba-ibang plataporma ng kompyuter, ang W3C ay bumuo ng ispesipikasyon na tinatawag na CSS-DOM, na nagbibigay-katuturan sa isang set ng mga tungkulin na dapat ipagkaloob ng lahat ng mga libraries.
Ang CSS Document Object Model ay isang API (Abstract Programming Interface) para sa pagmamanipula ng CSS (at sa ilang hangganan pati na rin sa ibang lengguwahe ng istilo) na nasa loob ng programa. Ang API ay ang ispesipikasyon ng software library. Makikita mo ito bilang manwal; binibigyang-katuturan nito ang mga tungkulin ng kanilang parameter, subalit hindi ito naglalaman ng aktuwal na code.
May ilang CSS-DOM libraries na makikita para sa iba-ibang plataporma. Marami rito ay libre. Maraming browsers ang may CSS-DOM library na built-in, magagamit ng mga programa ng ECMAScript.
Ang SAC (Simple API for CSS) ay isang karagdagan sa CSS-DOM. Ang CSS-DOM ay naglalaman ng mga tungkulin upang mamanipula ang style sheet matapos itong mailagay sa memory; ang mga tungkulin na binigyang-katuturan ng SAC ay tumutulong sa parsing ng style sheet, tulad ng paglilipat ng style sheet mula sa file papuntang memory.
Ang CSS-DOM ay isang W3C Recommendation. Ang SAC ay isang proyekto na kasalukuyang binubuo. May ilang software (maliban sa mga browsers) ang nakalista sa CSS overview na pahina.
Dynamic HTML
Ang Dynamic HTML ay isang termino upang ilarawan ang mga pahina ng HTML na may dynamic content. Ang CSS ay isa sa tatlong sangkap sa dynamic HTML; ang iba pang dalawa ay ang HTML mismo at ang JavaScript (na ginagawang batayan sa ilalim ng pangalang EcmaScript). Ang tatlong sangkap na ito ay pinagsama sa pamamagitan ng DOM, ang Document Object Model.