Ang Aklat Ni Andres Bonifacio 9 (original) (raw)

Pagsuri sa nais sumapi

SA ibabaw ng is�ng dulang (mesita, little table) ay may is�ng bungo (calavera, skull), is�ng revolver at is�ng gulok. May is�ng papel na kinasusulatan ng mga sumusunod na tanong:

�An� ang kalagayan nit�ng Katagalugan nuong unang panahon?� (Sa salitang Katagalugan ay kasama na ang Kabisayaan, Kailokohan at lahat na ng ka-Pilipinuhan.)

Ang kasagutan, sinuman ang ibig sumapi, ay humigit kumulang na ganito:

Nang unang dumating dito sa atin ang mga Castila nuong ika-16 ng Marso 1521, ang mga Pilipinong naninirahan sa mga baybayin ay may pagka-alam na sa maayos na kabuhayan at pamamayan. Nuon nga, tayong mga Pilipino ay may kalayaan na sa pamamayan; may mga ca�on. Maalam na tayong magsuot ng mga damit na sutla; nakipag-unawaan na tayo sa pangangalakal sa mga karatig bayan sa Asia.

Tayo ay may sariling sampalataya o religion, may sariling titik o sulat, na ano pa�t, lumalasap tayo ng kalayaan at kasarinlan.

ANG AKLAT NI ANDRES BONIFACIO

Ang 3 Tanong Sa Katipunan

�An� ang kalagayan sa ngayon?�

Ang mga frayle, na kung tawagin ay mga �kahalili ng Diyos� daw, ay pawang kabalbalan ang itinuro sa mga Pilipino. Hindi tayo tinuruan ng tunay na Karunungan sa buhay sapagka�t kung tayo ay natuto, hindi na nila mauulol at sa ganuon ay hindi nil� mahuhuthot ang ating kayamanan.

Ang itinuro sa atin ng mga frayle ay ang maling sampalataya na nakilala sa pagdaraos ng sunud-sunod na pist� na kina-hulugan ng ating salapi at kayamanan, sa pakinabang ng mga frayle at convento. Ang mga frayle ay siyang mahigpit na kalaban ng ikata-talino at ikabi-bihasa ng Pilipino (Tagalog sa sulat ng Katipunan). Sa katunayan, ayaw nila na tayo ay matuto ng wikang Castila.

Ano pa�t lahat na ng karaingan sa panlupig, panggahasa, mga kasagwaan, pagtingin sa Pilipino na parang iba sa pagka-tao kaysa mga Castila na ginawa ng mga frayle, ay siyang saysay sa ika-2 tanong. Sa kahuli-hulihan ay idinadaing

din ang malabis na pagkiling ng pamahalaang Castila sa mga frayle, pagsunod sa kanilang mga bilin laban sa bayan, paniwala sa mga sumbong ng mga yaon, kahit lisya (lihis) sa matuwid. At pagtanggi na bigyan ang mga Pilipino ng kalayaan sa pamamayan, at sa paggawa ng ikalulusog ng dunong, ng buhay at ng pangangalakal.

�An� ang magiging kalagayan sa darating na panahon?�

Ang madlang kasamaang binanggit sa mga naunang tanong ay malulunasan. Ang mga lupang malalawak na inangkin ng mga convento mula sa ating mga ninuno ay masasaul� sa bayan. Ang mga mamamaslang (asesinos, killers) ay maibubulid (maibabagsak) sa bangin ng kamatayan.

Ang mga kababayang pari, sina Gomez, Burgos at Zamora, ay maipaghihiganti. At ang kalayaan at kasarinlan ng Bayang Pilipino ay matatamo sa hinaharap, kung ang mga kasapi ay may pag-asa, tiyaga, tapang at pagka-kaisa sa pagsunod sa mga aral at pasy� ng Katipunan.