FlipUnited (original) (raw)
Nakakaawa ang mga artists na nagagamit lang ng mga establishments para dumami ang customers. Kapag nakapagather ka na ng crowd because of your quality music, performance and P.R.,bigla na lang sila tatanggalin ng management ng walang dahilan.
Pinapatay ng bulok na sistema na ito ang paglago ng musika at mga musikero sa bansa! Sobrang hindi patas sa mga nagpupursige at nagpapakabihasa. Mabuti sana kung tatanggalan ka ng pwesto dahil nawalan sila ng customers dahil sayo eh. Pero ang totoo, nagkocost cut lang sila para mas malaki ang kita. Kasi naman kung 50-80% ba naman ng TF ang matatapyas tapos umaapaw na ang customers, panalong panalo nga naman diba! Tapos may estilo pang kailangan mong maghatak ng crowd at mamemaintain ito week after week dahil doon ibabase kung makakatugtog pa kayo. Ang masakit pa dito ay kadalasan anak ni Kumare o Kumpadre ang ipapalit kasi close sa kanila! Walang kalaban laban ang mga pobreng walang impluwensiya! Kadupangan at kasakiman ang pinapairal ng mga ganid na kapitalista na yan!
Dapat maprotektahan ang karapatan ng mga musikero. Di ko alam kung saklaw ba ng DOLE, OPM, FILSCAP o PARI ang pagsasagawa ng batas dito pero dapat gumawa sila ng mga aksyon para masolusyonan ang exploitation ng mga artists. Dapat secured ang hanapbuhay nila. Dapat may fair compensation sila na tinatanggap at meal allowances kasi di naman to skills lang. TALENT ang puhunan dito na di lahat ng tao meron. Dapat may at least 5 months renewable contract at higit sa lahat dapat may Philhealth at SSS para sa kalusugan nila dahil sa usok na nalalanghap sa mga gigs, puyat, at banta ng masasamang loob sa pag pasok at pag-uwi nila.
WALA EH! MATAGAL NG ISYU ITO PERO WALANG PUMAPANSIN! Wala tayong pinag-iba sa mga freelance na mga vendors, skilled carpenters, tubero etc. Sinusubukan nating magmukang presentable pero walang naman tayong security sa hanapbuhay. Mabuti pa ang mga kasambahay kasi merong batas para sa kanila na nagsasaad na dapat may minimum na sahod sila at mga benifits na matatanggap mula sa kanilang employer.
DAPAT NA ITONG MAAKSYUNAN NG MGA KINAUUKULAN KUNG MAY PAG MAMALASAKIT PA SILA SA MGA ARTISTS NA YAMAN NG BAYAN!
SANA MAKARATING ITO SA INYONG MGA NAGBIBINGI-BINGIHAN!
MGA KAPATID SA INDUSTRIYA, WAG KAYO MATAKOT IHAYAG ANG INYONG MGA SALOOBIN UKOL SA MGA ISYUNG ITO! HANGGA'T NANANAHIMIK TAYO AT PATULOY NA DI KUMUKONTRA SA SISTEMA; HANGGANG SA KADULUDULUHAN NG LAHI NATIN NA MAGMUMUSIKERO, KAKAWAWAIN AT PAGSASAMANTALAHAN LANG NILA TAYO DAHIL WALA TAYONG GINAWANG AKSIYON PARA ITAMA ITO.