Ayuda sa ParaOma | Municipality of Gubat (original) (raw)

Sa Ilalim ng programang Ayuda para sa Paraoma sa pakikipagtulungan ng ating OIC Municipal Agriculturist Justine Orcio, namahagi na tayo ng mahigit dalawang libong (2,000) hybrid na binhi at mahigit na dalawang libo limang daan (2,500) certified seeds sa ating mga magsasaka. Nakapagbigay rin tayo ng isang libo siyam na daan animnapu’t siyam (1,969) na mga fertilizer discount vouchers at sa susunod na linggo ay muli tayong mamahagi nito sa ating mga magsasaka.

Namahagi rin tayo ng mga pestisidyo sa ating mga magsasaka at teknikal na asistensya sa irigasyon, makinarya at pagkontrol ng mga peste.

Sa programang Sagip Saka na naglalayong direktang bilhin ang produkto ng ating mga magsasaka at mangingisda. Patuloy pa rin ang Saud sa Municipio tuwing Biyernes kada linggo. Mga lokal na magsasaka mismo ang mga nagtitinda

Sa pakikipag-ugnayan ng ating Congressman Wowo Fortes sa Department of Agriculture, namahagi tayo ng mga bagong walay na biik sa isandaang benepisyaryong magsasaka. Namahagi din tayo ng mga gamit sa pagsasaka tulad ng sprayer, pala at iba pang mga gardening tools bilang tulong sa mga nagtitinda sa Saud sa Munisipyo. Namahagi din tayo ng bigas na tig-aapat na kilo sa dalawang libo limampu’t isang (2,051) mga rehistradong mangingisda.

#AsensoGubat