Unang Pahina (original) (raw)
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Magtanong sa Pamayanan ng Wikipediang Tagalog
- Paano magsimula?
- Tulong sa nilalaman
- Mga paksa
- Mabilisang indeks
- For non-Tagalog speakers
Napiling artikulo
Isang tamaraw na nasa damuhan ng Pambansang Liwasan ng Bundok Iglit-Baco sa Occidental Mindoro.
Ang tamaraw (Bubalus mindorensis; dating Anoa mindorensis) ay isang bovine (wangis-baka). Kabilang ang ungguladong mamalyang ito sa pamilyang Bovidae na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas, bagaman pinaniniwalaan din na namuhay ito sa pulo ng Luzon. Unang natagpuan ang hayop na ito sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan (2000 metro sa ibabaw ng antas ng dagat), ngunit dahil sa paglawak ng tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, iilan na lamang ang natira sa mga walang nakatira at madamong lugar, kaya kritikal na nanganganib na ngayon ito. Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon, hindi sub-uri ang tamaraw ng kalabaw, na mas malaki lamang ng kaunti. May mga ilang pagkakaiba ito sa kalabaw: ang tamaraw ay mas mabuhok ng kaunti, may mga maliwanag na marka sa kanyang mukha at may mas maikling mga sungay na parang titik V. Ito ang ikalawang pinakamalaking katutubong panlupang mamalya sa bansa pagkatapos ng kalabaw. Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw subalit hindi opisyal. Makikita ang larawan ng tamaraw sa mga baryang piso noong 1980 hanggang sa unang bahagi ng 1990. May anyong pangkaraniwan sa pamilyang kinabibilangan nito ang Bubalus mindorensis. May siksik, mabigat na kayarian, wangis-bakang katawan, apat na mga hitang nagtatapos sa mga unguladong paa at isang maliit, nasusungayang ulo sa hangganan ng maliit na leeg. May maliit ito at masiksik kung ihahambing sa Asyatikong pantubig na kalabaw (Bubalus bubalis).
Alam ba ninyo ...
...na sa Cebu, kilala ang "litson" (nakalarawan) bilang inasal sa Bisaya hanggang napalitan ito ng impluwensyang Tagalog na "lechon" noong dekada 2000?
...na nagsampa ng petisyon si Solisitor Heneral Menardo Guevarra para kanselahin ang sertipiko ng kapanganakan ni Alice Guo, alkalde ng Bamban, Tarlac, na inisyu ng Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas, kasunod ng mga pagdududa sa kanyang pinagmulan at pagkamamamayan?
...na nakabuo ang OpenAI, ang may gawa ng ChatGPT, ng ilang malalaking modelo ng wika na nailabas sa mga open source na modelo dati?
Napiling larawan
Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.
May-akda ng larawan: NASA
Sa araw na ito (Pebrero 4)
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Paano makapag-ambag?
Kaganapan
Inaresto ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang isang mag-aaral ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan ng Tsina para sa diumanong pagsubok ng pagtiktik sa ilang pasilidad ng militar, kabilang ang mga base ng Estados Unidos sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (o Kasunduan sa Pinagbuting Kooperasyon sa Depensa).
Itinalaga sina Donald Trump at JD Vance bilang ika-47 pangulo ng Estados Unidos at ika-50 pangalawang pangulo ng Estados Unidos sa Washington, D.C., kung saan si Trump ang unang pangulo simula pa kay Grover Cleveland na nagsilbi ng di-magkasunod na termino.
Pinirmahan ni Trump ang utos ehekutibo na pag-antala ng pagpapatupad ng batas ng pagbabawal ng TikTok (nakalarawan ang punong himpilan sa California) sa Estados Unidos sa loob ng 75 araw.
Pinapaandar ang Wikipedia ng Pundasyong Wikimedia, isang di-kumikitang organisasyon na pinapatakbo din ang iba pang mga proyekto:
Meta-Wiki
Koordinasyon ng proyektong Wikimedia
Mga Wikipedia sa iba pang mga wika
Nakasulat ang Wikipedia na ito sa Tagalog, isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Mayroon din ibang Wikipedia na nakasulat sa ibang wika na mula sa Pilipinas na nakatala sa sumusunod.
Maraming iba pang Wikipedia; nakatala sa ibaba ang ilan sa mga malalaking Wikipedia.