Llana Andrienne Banga | University of the Philippines Manila (original) (raw)
Uploads
Papers by Llana Andrienne Banga
Drafts by Llana Andrienne Banga
Lungsod Caloocan: Dalawang lungsod na pinaghiwalay ng kapalaran, pinag-iisa ng iisang pamahalaan ... more Lungsod Caloocan: Dalawang lungsod na pinaghiwalay ng kapalaran, pinag-iisa ng iisang pamahalaan Hindi lahat ng lungsod ay buo ang teritoryo tulad ng karaniwang lungsod na ating iniisip. Sa lahat ng mga lungsod o kahit mga munisipalidad sa bansa, ang Lungsod Caloocan ay namumukod-tangi dahil ito lamang ang lungsod na may dalawang magkahiwalay na bahagi o non-contiguous areas, ang Hilagang Caloocan at Timog Caloocan. Marahil ay parang magkaibang lungsod na ang dalawang bahagi dahil sa hating heograpiya ngunit sila ay iisa lamang dahil iisa lang ang kanilang pangalang dinadala at iisang pamahalaan ang namumuno sa kanila. 20 kilometro at tatlong lungsod ang pumapagitna sa Hilaga at Timog Caloocan. Mula sa Timog Caloocan, kailangang baybayin ang tatlong lungsod, ang Malabon, Valenzuela, at Lungsod Quezon, bago marating ang Hilagang Caloocan. Naging saksi ang Caloocan sa maraming paghihiwalay kagaya na lamang ng sarili nitong mga teritoryo. Ano nga ba ang ginagampanan ng heograpiya sa mga " paghihiwalay " na ito? May ginampanan din ba ang politika sa pambihirang heograpiya ng lungsod? Hindi dapat natin maliitin ang heograpiya dahil ito ay isang malaking salik sa kapalaran ng isang lugar. Layunin ng pananaliksik na mapatunayan kung gaano makapangyarihan ang heograpiya ng isang lungsod sa kapalaran nito. Isa nga bang biyaya o kamalasan ang pagkakaroon ng malawak ngunit magkakalayong teritoryo para sa isang lungsod? Marahil ay iisipin ng karamihan na ang isang lungsod o pamahalaan na nagtataglay ng magkakahiwalay na teritoryo ay mahina dahil sa mga hadlang sa heograpiya.