MANIPESTO (PAHAYAG) NG RADIKAL NA HUMANISMO (daw (original) (raw)
Isang Pagtatangka, pagkat " walang magawa " (?) Borador (para sa mga punyetang inglesero, rough draft) Tugon sa kahilingan ni Mahal na Ka Tom Agulto Hinihingi ng makabagong Panahon na ang Sangkatauhan ay dapat na magbalik sa kanilang Tunay na Pagkatao, kung kaya naman, kami ay lubos na naninindigan at taos-pusong ipinapahayag sa buong bansa't balana, sa buong mundo't daigdigan ang aming marubdob na mga paniniwala't paninindigan, mga prinsipyo't-pilosopiya at mga batayang panawagan para sa lahat ng mga Tao! Nananawagan po ng pagkakaisang-loob at pagdadamayang-kusa ang Pahayag na ito sa lahat po ng mga tao't-indibidwal na intelektuwal, palaisip at lahat po ng mga isinuka't isinumpa ng umiiral na sistemang pangkaisipan, di-makataong pang-ekonomiyang kalalagayan at dominanteng kultura ng mga naghaharing-uri, bugesya de pataranta y iho de putas, ng relihiyon (organisado o sindikato) at maging ng pamahalaan (lalo't ito ay hindi makatwiran, palalo at abusado)…. Tinatawagan po namin ang lahat ng mga radikal, subersibo, erehe, pilibustero, rebolusyonaryo, mga manghihimagsik, mga milinarista, mga tulisan, silang mga etsa-pwera, mga bandido, bandolerista, mga remontados, mga pasaway at lahat po ng uri ng rebelde at nagrerebelde, mga makikibaka't nakikipaglaban at may matuwid na ipinaglalaban laban po sa lahat ng uri ng inhustisya o kawalang-katarungan, kamangmangang gawa at likha at dulot ng umiiral na pandaigdigang sistema at ng kanilang mga buktot at balikong mga institusyon at mga palpak na gobyernong walang nauunawaan o nawawawaan ni anuman sa mga batayang pangangailangan ng mga Tao sa buong mundo, pagsasamantala ng tao sa kapwa niya tao, sa anumang anyo o porma o pamamaraan, saan mang dako at alin mang sulok ng Daigdig, diskriminasyon, pang-aaping nakabatay sa lahi, kultura, tradisyon at maging kasarian at iba pa…. na tayo po ay magsama-samang kilos, magkaisang diwa't-isip at magbuklod