Iritable (0002) by kazorsoniylop on DeviantArt (original) (raw)

aywan pero relate na relate talaga ako sa “hindi ako komportable sa sarili kong balat” dahil siguro kinulang ako sa ligo? but hindi naman iyon ang punto ko, Ibig kong sabihin ay ayo'ko sa tinitirhan kong katawan. Mabubulok na kaluluwa ko rito, konting kembot na lamang ay baka ako'y bumigay na laang bigla. kapag iniisip ko ang mga taong pwede kong maiwan, halos lahat naman yata sila balewala lang kung mawawala ako ngunit kahit na ganoon – hindi ko pa rin matapos-tapos 'tong paghihirap ko. may parte pa rin sa'kin na nagsasabing: Dom umabot ka na sa puntong halos hindi mo na masikmura ang lahat pero guess what? kinaya mo. marami kang isinugal na ikaw lang ang nakakaalam, walang ideya ang mga mahal mo sa buhay kung gaano ka ka-praning. kung gaano mo sila pinapahalagahan, kung gaano ka kasabik na matupad ang mga kahilingan mo noong panahong nakahuli ka ng hindi lang isa, kun'di dalawang alitaptap. iisipin ng iba mapalad ka, well alam nating hindi 'yon totoo. kasi narito ka, patuloy na umaasang magiging ayos rin ang lahat habang nakikipagsapalaran sa hinaharap. Tama 'yang ginagawa mo. hindi na ako makapag-hintay na magsuot ng mamahaling damit para lang maghubad sa loob ng sarili kong kwarto.

(thu, apr thirteen, twenty-twenty-three) ✧