ANG PAG-IISIP NG DIYOS - VeritasPH (original) (raw)

8,807 total views

Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35

Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad ng Diyos gayong tao lang naman ako?” Talaga bang inaasahan ni Hesus ang mga alagad niya na mag-isip na katulad ng Diyos? Paano mangyayari iyun?

Pumapasok tuloy sa isip ko ang isang pagbasa sa propeta Isaias chapter 55. Doon sa v. 8, ang sinasabi ng propeta ay medyo hawig sa sinabi ni Hesus kay Pedro: Sinabi ng Panginoon , “Ang pag-iisip ko ay hindi katulad ng pag-iisip ninyo at ang pamamaraan ko ay hindi katulad ng pamamaraan ninyo.” At sa kasunod, sa v. 9, sabi pa niya: “Kung gaano kalayo ang langit sa lupa, ganoon din kalayo ang aking pamamaraan at pag-iisip kaysa sa inyo.”

May background ang sinasabi ng propeta. Disappointed siya sa pagkilos at pag-uugali ng mga tao. Pinaaalalahanan sila na sikapin nilang alamin ang kalooban ng Diyos. Doon sa naunang bahagi ng chapter ding iyon, nasabi rin ng propeta:

Isaias 55:6-7 “Lumapit na kayo sa Panginoon at tumawag sa kanya habang naririyan pa siya para tulungan kayo. Talikuran na ng mga tao ang masasama nilang ugali at baguhin na ang masasama nilang pag-iisip. Magbalik-loob na sila sa Panginoon na ating Dios, dahil kaaawaan at patatawarin niya sila.”

Ibig sabihin inaasahan ng propeta, tulad ng sinasabi ni Hesus kay Pedro—sikapin ninyong mag-isip nang naaayon sa pag-iisip ng Diyos. Kaya ba nating gawin ito?

Bakit hindi? Parehong Hudyo ang background nina Hesus at Isaias. Ipinapalagay nila na ang tao ay nilikha sa hugis at wangis ng Diyos. Ibig sabihin, kahit tayo’y tao pwede tayong mag-aral at matuto sa paraan ng Diyos.

Para sa kay Isaias ito ang pinakabuod o diwa ng misyon niya bilang isang propeta—ang maipahayag ang Salita ng Diyos upang ang kalooban ng Diyos ang mamayani sa mga puso at diwa ng bayang Israel. Kaya sinasabi rin niya sa vv.10-11: “Ang ulan at nyebe ay mula sa itaas, at hindi bumabalik doon hanggaʼt hindi muna nakapagbibigay ng tubig sa lupa at nakapagpapalago ng mga halaman para makapagbigay ng binhi at pagkain sa nagtatanim at sa mga tao. Ganyan din ang aking mga salita, hindi ito mawawalan ng kabuluhan. Isasakatuparan nito ang aking ninanais, at isasagawa ang aking layunin kung bakit ko ito ipinadala.”

Parang ganito din ang pinanggagalingan ni Hesus sa reaksyon niya sa sagot ng mga alagad sa mga tanong niya: sino ba ako ayon sa mga tao at sino ako para sa inyo? Di ba ang sagot nila sa unang tanong ay “Si Juan Bautista daw kayo ayon sa ilan. At si Jeremias naman daw kayo ayon sa iba. At meron pang nagsasabing isa kayo sa mga propeta. “ Ang mga propeta ang halimbawa nila ng mga taong nakatatarok sa pag-iisip o kalooban ng Diyos.

Bakit? Dahil ang gawain nila ay ang ipahayag ang Salita ng Diyos. Paano nila magagawa iyon kung hindi muna sila matutong makinig sa kalooban ng Diyos? Baka nga naman sariling mga kuro-kuro o haka-haka lang nila ang ipahayag nila at hindi ang kalooban ng Diyos kung hindi muna sila maglaan ng panahon para makinig sa Diyos sa pananalangin nila.

Hindi malayo na tinuring din nila si Hesus bilang propeta dahil nakikita siyang madalas nagdidili-dili at nagdarasal. Bahagi daw ito ng pang-araw -araw na iskedyul niya. Ang manahimik at mapag-isa sa mga ilang na lugar. Minsan nga nilapitan pa daw siya ng mga alagad, hindi lang para magpaturo kung paano unawain ang Kasulatan kundi para din magpaturo sa pananalangin. Di ba pinakiusapan daw siya minsan, “Panginoon, pakituruan mo nga kaming magdasal?”

Kasi marami ring mga tao noong kapanahunan niya na ang lakas ng loob na magsalita para sa Diyos pero mga bulaang propeta sila. Sa pakiwari ng mga tao—sariling pag-iisip, ideya, o opinyon lang nila ang lumalabas sa bibig nila, hindi ang ibig ipahayag ng Diyos.

Tayo rin tinawag din tayo na maging mga propeta sa panahon natin. Hindi nga ba ito isa sa tatlong aspeto ng buhay Kristiyano: ang pagiging pari, propeta at hari? Di natin matutulungan ang ibang tao na umunawa sa kalooban ng Diyos kung hindi natin matutuhan ang disiplinang napaka-importante sa buhay ng propeta: ANG PANALANGIN.

Dumako tayo ngayon sa pangalawang tanong ni Hesus: SINO AKO PARA SA INYO?” At ang sumagot ay si Pedro: “Ikaw ang Kristo.” At tama naman siya. Iyun nga lang, hindi malinaw sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya. Kaya haharangin niya si Hesus sa daan matapos na marinig niya kay Hesus na malapit nang matupad ang misyon niya pero daranas muna sila ng trahedya sa Jerusalem bago mangyari ito.

Kay Pedro, ang Mesiyas ay ang ipinangakong Manunubos na maghahatid ng kaligtasan sa mundo. Pero ang intindi niya ay, ililigtas ang matuwid at parurusahan ang mga makasalanan. Ganoon kasimple.
Pero hindi ganoon kay Hesus. Kaligtasan para sa lahat, pati sa mga makasalanan ang pinahahayag ni Hesus. Tulad ni Isaias, naniniwala siya na ang nasa puso at isip ng Diyos ay AWA AT MALASAKIT. Pero kinailangan muna niyang magbayad nang mahal. Ang hangad niya ay kaligtasan hindi lang para sa mga banal at matuwid, kundi katubusan ng matuwid at makasalanan, ang karapat-dapat at hindi. At inaanyayahan niya ang kanyang mga alagad na mag-isip na katulad ng Diyos…kung handa silang magbayad nang mahal.

Alam ni Hesus, nang harangin ni Pedro ang direksyon niya patungong Jerusalem, na hindi talaga si Pedro kundi si Satanas ang kumikilos at humahadlang sa katuparan ng kanyang misyon. Pinipigilan siyang mag-isip ng dimonyo sa paraang naaayon sa pag-iisip ng Diyos. Kaya buong tiyagang tinuruan sila ni Hesus kung paano makiisa sa Anak ng Tao, sa kanyang misyon ng pagtubos.
Ito rin ang dahilan kung bakit madalas idiin ni Hesus ang importansya pag-unlad sa disiplina ng ng pananalangin sa kanila, para turuan silang mag-isip na katulad ng Diyos. Iyon ang halaga ng pananalangin, nagiging pamilyar tayo sa tinig ng Diyos. Natututo tayong mangilatis at magdesisyon kung alin ba sa mga “tinig” o balakin na pumapasok sa ating isip ang sa Diyos at alin ang hindi, alin ang dapat masunod, alin ang hindi.

Ang ibinigay na paalala ni Hesus kay Pedro ay para sa atin din, para maging pamilyar tayo sa “isip o kalooban ng Diyos” sa ating pakikibahagi sa kanyang misyon. “Sapagkat ang taong naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nagnanais mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, pero mapapahamak naman ang kaluluwa niya?” Mk 8:35-36

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

Monday, November 18, 2024 7:00 am 7:00 am

13,001 total views

13,001 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

Saturday, November 16, 2024 7:00 am 7:00 am

23,116 total views

23,116 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

Friday, November 15, 2024 7:00 am 7:00 am

32,693 total views

32,693 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

Thursday, November 14, 2024 7:00 am 7:00 am

52,682 total views

52,682 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

Wednesday, November 13, 2024 7:00 am 7:00 am

43,786 total views

43,786 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »

catholink

Shadow

truthshop

Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

6,677 total views

6,677 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »

Monday, September 30, 2024 10:26 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

8,806 total views

8,806 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »

Saturday, September 14, 2024 8:25 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

8,808 total views

8,808 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »

Friday, September 13, 2024 8:25 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

8,804 total views

8,804 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »

Thursday, September 12, 2024 8:25 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

9,676 total views

9,676 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »

Sunday, September 8, 2024 3:44 pm

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

11,878 total views

11,878 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »

Monday, August 26, 2024 10:16 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

11,911 total views

11,911 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »

Sunday, August 25, 2024 8:23 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

13,265 total views

13,265 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »

Friday, August 23, 2024 7:28 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

14,361 total views

14,361 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »

Monday, August 19, 2024 10:21 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

18,569 total views

18,569 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »

Saturday, August 17, 2024 7:21 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

14,288 total views

14,288 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »

Sunday, August 11, 2024 11:13 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

15,657 total views

15,657 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »

Monday, August 5, 2024 7:27 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

15,919 total views

15,919 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »

Sunday, August 4, 2024 7:27 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

24,611 total views

24,611 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Monday, July 29, 2024 8:22 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

11,137 total views

11,137 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »

Saturday, July 27, 2024 12:12 pm

Latest Blogs

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuesday, November 19, 2024 7:00 am

Rev. Fr. Jerico Habunal

Friday, November 8, 2024 12:59 pm

Rev. Fr. Jerico Habunal

Thursday, November 7, 2024 12:54 pm

Rev. Fr. Jerico Habunal

Wednesday, November 6, 2024 12:54 pm

Rev. Fr. Jerico Habunal

Tuesday, November 5, 2024 12:54 pm

Rev. Fr. Jerico Habunal

Monday, November 4, 2024 12:54 pm

Rev. Msgr. Wilfredo Andrey

Sunday, November 3, 2024 9:07 am

Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Sunday, November 3, 2024 9:04 am

Rev. Fr. Jerico Habunal

Sunday, November 3, 2024 8:34 am

Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Sunday, November 3, 2024 7:00 am

Rev. Fr. Jerico Habunal

Saturday, November 2, 2024 7:53 am

Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Friday, November 1, 2024 8:45 am

Rev. Fr. Jerico Habunal

Friday, November 1, 2024 7:53 am

Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Thursday, October 31, 2024 8:44 am

Rev. Fr. Jerico Habunal

Thursday, October 31, 2024 7:53 am