Interesado pa ba ang bise-presidente? - VeritasPH (original) (raw)
15,991 total views
Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto.
Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito ng Quezon na si Congressman David Suarez. Ito rin daw ang sentimiyento ng marami niyang kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa halip na dumalo sa plenary debates kung saan bubusisiin ang hinihinging badyet ng Office of the Vice President (o OVP), mas piniling pumunta ni VP Sara sa isang beach resort.
Kinlaro ito ng OVP. Bago ang plenary debates na itinakda noong isang Lunes, sumulat na raw ang bise presidente sa sponsor ng badyet ng kanyang opisina para sabihing ipinauubaya na lang niya sa mga mambabatas ang pagtalakay at pagpapasya. Ang pagpapalaki ng isyu tungkol sa pagpunta ni VP Sara sa isang beach ay isang pagtatangka raw na sirain ang kanyang reputasyon.
Para sa mga mambabatas na pumupuna sa ginawa ni VP Sara, bahala na raw ang mga Pilipinong humusga. Anong tingin ninyo, mga Kapanalig?
Ibang usapin ang tila lumalakas na pagpuna ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan kay VP Sara. May mga alingasngas ngang gusto naman talaga nilang patalsikin ang bise-presidente sa kanyang puwesto sa pamamagitan ng impeachment. Siyempre, hindi nila iyon aaminin. Wala raw pulitika, trabaho lang, sabi ng ilang mambabatas, pati ni Pangulong BBM.
Pero ibang usapin din—at mas matimbang pa ngang isyu—ang pagtrato ni VP Sara sa proseso ng pagsasabatas ng badyet ng gobyerno. Sa simula pa lamang ng deliberasyon sa budget proposal ng OVP, mainit na ang naging palitan ng salita ng bise-presidente at ng mga mambabatas. Ayaw niyang tumanggap ng mga tanong mula sa mga kongresista. Sa isang kasunod na pagdinig, tumanggi siyang manumpa sa simula ng hearing, bagay na, ayon sa isang mambabatas, tila nagpapahiwatig na ayaw ng pangalawang pangulo na lumabas ang totoo. Lagi kasing inuusisa ang paggamit ng OVP sa confidential funds nito noong 2022. Kinuwestyon din sa Senado ang hinihiling ng opisina na sampung milyong para sa paglilimbag ng isang librong isinulat daw ni VP Sara.
Maliban sa tungkuling magpanukala ng mga batas, may tinatawag ding “_power of the purse_” ang Kongreso. Saklaw ng trabaho nilang magpasá ng batas na magpapahintulot sa ehekutibo na gamitin ang kaban ng bayan para sa mga programa at proyektong gagawin nito sa isang taon. Ang batas na ito ay tinatawag na General Appropriatrions Act, at malaking bahagi ng pagbuo nito ang pagbusisi kung tama nga ba ang mga paggagamitan ng inihahaing badyet. Binabalikan din ang naging performance ng mga opisina para masabing karapat-dapat itong pagkatiwalaan ng pera ng publiko. Ang pagpapasá ng badyet ay kasama sa tinatawag na checks and balances sa pamahalaan.
Kaya mahalagang nakikipagtulungan ang mga nasa ehekutibo sa mga pagdinig tungkol sa inihahaing badyet ng mga opisina nito, kabilang ang OVP. Kung malinis nga naman ang record at maayos ang performance ng isang ahensya, wala naman sigurong dahilan para dedmahin ang mga sumusuri sa badyet at magpapasa ng batas. Ang “mga bagay na totoo… at malinis,” wika nga sa Filipinos 4:8, ay “mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri.” Dapat itong ipagmalaki ng mga pinuno nating tunay na pinahahalagahan ang mga ito. Walang dapat itinatago.
Mga Kapanalig, sabi nga sa Cathoilic social teaching na Fratelli Tutti, sa pakikipagdiyalogo, natatagpuan natin ang katotohanan. May pamumulitika man o wala, katotohanan ang dapat pinaninindigan ng ating mga lingkod-bayan. Samakatuwid, dapat silang maging laging bukás sa pagsisiyayat at pagsusuri.
Sumainyo ang katotohanan.
Veritas Editorial
Rev. Fr. Anton CT Pascual
President of Radio Veritas
Interesado pa ba ang bise-presidente?
Monday, September 30, 2024 7:00 am 7:00 am
15,992 total views
15,992 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito
18,271 positions
Saturday, September 28, 2024 7:00 am 7:00 am
28,916 total views
28,916 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.
Iligtas ang mga bata
Wednesday, September 25, 2024 7:00 am 7:00 am
49,951 total views
49,951 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online. Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang
Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila
Tuesday, September 24, 2024 5:17 pm 5:17 pm
59,239 total views
59,239 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang
Serbisyo, hindi utang na loob
Monday, September 23, 2024 7:17 am 7:17 am
46,843 total views
46,843 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,
catholink
truthshop
Related Story
Latest Blog
18,271 positions
28,917 total views
28,917 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.
Saturday, September 28, 2024 7:00 am
Latest Blog
Iligtas ang mga bata
49,952 total views
49,952 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online. Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang
Wednesday, September 25, 2024 7:00 am
Latest Blog
Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila
59,240 total views
59,240 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang
Tuesday, September 24, 2024 5:17 pm
Latest Blog
Serbisyo, hindi utang na loob
46,844 total views
46,844 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,
Monday, September 23, 2024 7:17 am
Latest Blog
Tao ang sentro ng trabaho
75,420 total views
75,420 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag
Wednesday, September 18, 2024 7:17 am
Latest Blog
Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk
70,733 total views
70,733 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o
Tuesday, September 17, 2024 7:17 am
Latest Blog
Tunnel of friendship
75,667 total views
75,667 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang
Monday, September 16, 2024 7:00 am
Latest Blog
Teenage pregnancy
126,227 total views
126,227 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,
Friday, September 13, 2024 7:32 am
Latest Blog
Magnanakaw ng dignidad ang traffic
131,386 total views
131,386 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,
Thursday, September 12, 2024 7:30 am
Latest Blog
Iba’t ibang paraan ng pabahay
111,577 total views
111,577 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring
Wednesday, September 11, 2024 7:00 am
Latest Blog
Dugo sa kamay ng mga pulis
53,007 total views
53,007 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan
Tuesday, September 10, 2024 7:00 am
Latest Blog
“Same pattern” kapag may kalamidad
61,688 total views
61,688 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak
Monday, September 9, 2024 7:00 am
Latest Blog
Moral conscience
76,450 total views
76,450 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating
Saturday, September 7, 2024 7:00 am
Latest Blog
Pagpa-parking/budget insertions
83,565 total views
83,565 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong
Friday, September 6, 2024 7:00 am
Latest Blog
Season of Creation
56,703 total views
56,703 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala
Thursday, September 5, 2024 7:00 am
Latest Blogs
Monday, September 30, 2024 10:26 am
Monday, September 30, 2024 10:24 am
Sunday, September 29, 2024 8:24 am
Sunday, September 29, 2024 8:14 am
Sunday, September 29, 2024 8:10 am
Sunday, September 29, 2024 7:00 am
Saturday, September 28, 2024 8:01 am
Friday, September 27, 2024 8:10 am
Friday, September 27, 2024 8:01 am
Thursday, September 26, 2024 8:10 am
Thursday, September 26, 2024 8:01 am
Wednesday, September 25, 2024 5:15 pm
Wednesday, September 25, 2024 4:54 pm
Tuesday, September 24, 2024 4:48 pm
Monday, September 23, 2024 5:08 pm