Kasabwat sa patayan - VeritasPH (original) (raw)
78,790 total views
Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran?
Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee ang pagdinig sa “war on drugs_” ng dating administrasyong Duterte. Sa kanyang pagharap sa komite, sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na sinubukan daw niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya para tugunan ang problema sa iligal na droga sa bansa. Gusto niya itong iwan na parang pamana bago siya umalis hindi lamang sa puwesto kundi sa mundong ito. Hindi raw iyon naging perpekto. Marami raw pagkakamali at baka marami ngang krimeng ibinunga ang giyerang inilunsad niya. Sa kabila ng mga ito, inako niya ang “_full legal [_and_] _moral responsibility_” para sa kinalabasan ng kampanya niyang iyon.
Malakas ang loob niyang sabihin ang mga salitang ito dahil mga kilaláng kakampi niya ang halos lahat ng senador. May isa ngang nagsabing dahil sa war on drugs, “natakot ang napakaraming mga kriminal, durugista, at pusher.” Wala pa nga raw ginagawa ang mga pulis noon; nagbanta lamang daw si dating Pangulong Duterte matapos niyang manalo sa eleksyon. Puro daw mga biktima ng war on drugs ang pinag-uusapan pero hindi nabibigyan ng pansin ang mga biktima ng mga durugista. Ang isa namang senador, tila nag-abogado pa para sa dating pangulo. Hinayaan lang din si dating Pangulong Duterte na magmura at bastusin ang tanging senador na nagtatanong ng mga tamang tanong.
Natapos ni Pangulong Duterte ang kanyang anim na taóng termino nang may napakataas na approval rating. Sa katunayan, sa buong termino niya, nanatiling sikat ang dating presidente sa kabila ng hindi maayos na pagtugon sa pandemya, mga alegasyon ng katiwalian, at kaliwa’t kanang patayan para linisin daw ang problema natin sa droga. Hanggang ngayon nga, kasama siya sa mga nanguguna sa mga senatoriables. Bumuhos din ang mga mensahe ng suporta para sa kanya sa social media noong humarap siya sa hearing ng Senado. Sila rin ang tumadtad ng batikos sa mga inimbitahang resource persons na nagpatunay sa kawalang-paggalang ng kampanya kontra droga sa buhay at dignidad ng tao—matanda o bata man.
Hindi lamang ang karakter ng dating pangulo ang ating nakikita sa isinagawang pagdinig ng Senado—isang karakter na matagal na nating alam. Ang nakikita natin ay ang karakter nating mga Pilipino—hindi man ng lahat ng Pilipino pero tiyak na hindi sila kakaunti. Ang patuloy na kasikatan ng dating pangulo at ang pagkakaluklok ng kanyang mga kakampi sa puwesto ay mga malinaw na patunay. Kayâ ang mga lider nating ginagawa ang kanilang trabaho para papanagutin ang mga naghikayat ng pagpatay sa mga kababayan natin ay tila bumabangga sa hindi matibag-tibag na pader.
Lagi nating ipinagmamalaking mayorya ng mga Pilipino ay Kristiyano. Pero wala itong saysay kung marami rin sa atin ang pumapabor sa karahasan para solusyunan ang mga itinuturing nating problema ng bayan. Hindi kailanman itinuro ni Hesus ang paggamit ng karahasan. Sabi nga sa 1 Juan 4:20, “Ang nagsasabing, ‘Iniibig ko ang Diyos,’ subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?” Sa Catholic social teaching naman na Fratelli Tutti, ipinaaalala ng ating Simbahan na dapat tiyakin ng bawat lipunan na ang mga mabubuting pinahahalagahan nito—o _values_—ay naipapasa o naipamamana. Kung hindi ito mangyayari, ang maipapasa ay pagkakanya-kanya, karahasan, katiwalian, at pagkawalang-pakialam. Ito ba ang gusto natin?
Mga Kapanalig, walang Kristiyanong kasabwat sa patayan.
Sumainyo ang katotohanan.
Veritas Editorial
Rev. Fr. Anton CT Pascual
President of Radio Veritas
Damay tayo sa eleksyon sa Amerika
Monday, November 18, 2024 7:00 am 7:00 am
13,098 total views
13,098 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang
Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon
Saturday, November 16, 2024 7:00 am 7:00 am
23,213 total views
23,213 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na
Phishing, Smishing, Vishing
Friday, November 15, 2024 7:00 am 7:00 am
32,790 total views
32,790 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at
Veritas Editorial Writer Writes 30
Thursday, November 14, 2024 7:00 am 7:00 am
52,779 total views
52,779 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos
Climate justice, ngayon na!
Wednesday, November 13, 2024 7:00 am 7:00 am
43,883 total views
43,883 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming
catholink
truthshop
Related Story
Latest Blog
Paalam, POGO!
779 total views
779 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,
Tuesday, November 19, 2024 7:00 am
Latest Blog
Damay tayo sa eleksyon sa Amerika
13,099 total views
13,099 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang
Monday, November 18, 2024 7:00 am
Latest Blog
Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon
23,214 total views
23,214 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na
Saturday, November 16, 2024 7:00 am
Latest Blog
Phishing, Smishing, Vishing
32,791 total views
32,791 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at
Friday, November 15, 2024 7:00 am
Latest Blog
Veritas Editorial Writer Writes 30
52,780 total views
52,780 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos
Thursday, November 14, 2024 7:00 am
Latest Blog
Climate justice, ngayon na!
43,884 total views
43,884 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming
Wednesday, November 13, 2024 7:00 am
Latest Blog
Walang special treatment dapat
40,767 total views
40,767 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng
Tuesday, November 12, 2024 7:00 am
Latest Blog
Ingatan ang kaban ng bayan
44,336 total views
44,336 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil
Monday, November 11, 2024 7:00 am
Latest Blog
Ningas-cogon
56,792 total views
56,792 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso
Saturday, November 9, 2024 7:00 am
Latest Blog
Job Mismatches
67,859 total views
67,859 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher
Friday, November 8, 2024 7:00 am
Latest Blog
Mining
74,178 total views
74,178 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate
Thursday, November 7, 2024 7:00 am
Latest Blog
Walang magagawa o hindi handa?
80,350 total views
80,350 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang
Tuesday, November 5, 2024 7:00 am
Latest Blog
Pagtulong na gumagalang sa dignidad
45,911 total views
45,911 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala
Monday, November 4, 2024 7:00 am
Latest Blog
Mental Health Awareness Month
68,572 total views
68,572 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito. Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot
Wednesday, October 30, 2024 7:00 am
Latest Blog
Pananagutan sa kalikasan
73,885 total views
73,885 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change
Tuesday, October 29, 2024 7:00 am
Latest Blogs
Tuesday, November 19, 2024 7:00 am
Friday, November 8, 2024 12:59 pm
Thursday, November 7, 2024 12:54 pm
Wednesday, November 6, 2024 12:54 pm
Tuesday, November 5, 2024 12:54 pm
Monday, November 4, 2024 12:54 pm
Sunday, November 3, 2024 9:07 am
Sunday, November 3, 2024 9:04 am
Sunday, November 3, 2024 8:34 am
Sunday, November 3, 2024 7:00 am
Saturday, November 2, 2024 7:53 am
Friday, November 1, 2024 8:45 am
Friday, November 1, 2024 7:53 am
Thursday, October 31, 2024 8:44 am
Thursday, October 31, 2024 7:53 am