NAKATATANDA - VeritasPH (original) (raw)

24,612 total views

Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15

Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig sabihin ng NAKATATANDA. Kung nakatatanda ka, ibig sabihin hindi ka malilimutin. Ang ugat na salita ay TANDA. Ang tanda o palatandaan ay anumang bagay na pwedeng gumabay sa naglalakbay para hindi ito maligaw. Sa Ingles—SIGNS. Kaya nga ang daming mga signages (pananda) sa mga kalsada—mga babala: pedestrian crossing, railroad crossing, no U-turn, no-left-turn, dead-end, one way, entrance, exit, etc. Pag di mo binasang mabuti ang tanda sa pagtawid sa kalsada, pwede kang masagasaan, pwede mong ikamatay.

Sa usaping ito kakaiba si San Juan sa ibang mga ebanghelista. Hindi milagro o himala ang tawag niya dito sa kuwento ng pagpapakain ng limang libo katao. Ang tawag niya dito ay PALATANDAAN. Mayroong itinuturo. Ang problema lang ay, kung minsan napakalinaw na ng tanda at ang itinuturo nito pero hindi pa rin ma-gets (makuha) ng iba. Katulad sa nangyari sa dulo ng kuwentong narinig natin sa ebanghelyo. Sa sobrang pagkamangha sa nangyaring pagpapakain ng limang-libo katao, gusto raw siyang gawing hari ng mga taong nakasaksi. Ang nakita nila ay himala, hindi tanda. Sino ba ang ayaw sa libreng pagkain? Kung kaya mong pakainin at busugin ang limang libo katao sa limang tinapay at dalawang isda, mabuti siguro gawin ka nang hari para malutas ang problema ng gutom at kahirapan sa mundo. Magic ang nakita nila. Kung sa Ingles, “They missed the point.” Hindi nakuha ang kahulugan ng tanda.

Napansin ba ninyo ang sunod-sunod na salitang ginamit para ilarawan ng ebanghelista ang ginawa ni Hesus bago siya nagpakain? “Kinuha niya ang tinapay, nagpasalamat siya. Pinaghati-hati niya iyon. Iniabot sa kanyang mga alagad para ibahagi sa mga tao.” Gayundin ang ginawa sa dalawang isda. Kailan natin naririnig ang mga salitang ito? Sa Misa o Eukaristiya. Kaya siguro higit pa sa TANDA ang turing natin sa Eukaristiya. Ito’y SAKRAMENTO. Isang tanda na hindi lang epektibo, isang tanda na hindi lang nagtuturo kundi nagpapaganap sa itinuturo.
Sa mahabang kasaysayan ng pananampalatayang Kristiyano, sanay na tayong pagtawanan ng mga hindi marunong umunawa sa ating mga tanda. Hindi na bago iyan sa atin. Dahil nga magic ang tingin nila sa ginagawa ng pari sa Misa—na sa kumpas ng kamay niya ang ordinaryong tinapay ay magiging Diyos, ginaya-gaya ito ng mga magicians o salamangkero. Pati nga salitang Latin para sa sinasabi ng pari sa consecration ay ginaya nila: “Hoc est enim corpus meum…” This is my body… Sa kauulit, naging HOCUS POCUS. Di ba ang magic hindi naman totoo, nilalaro lang ang mata? Ito ang punto nila—Nilalaro nyo lang kami.

Sa marunong bumasa sa tanda, malinaw na hindi ito magic. Hindi naman ito tungkol sa tinapay na nagiging Diyos. Baligtad. Tungkol ito sa Diyos na nagiging tinapay. Tungkol sa misteryo ng pagibig ng Diyos na nag-aalay ng kanyang buhay, nagbibigay ng sariling katawan at dugo bilang pagkain ng buhay. Niyayaya tayong makita ang misteryo ng pag-ibig ng Diyos sa tinapay na kinuha, ipinagpasalamat, hinati at ibinigay upang ipakain.

Aanhin mo ang tinapay kung yaw mo itong ipakain? Aamagin lang. Hindi lang tinapay ang inaamag. Mga tao rin. Kapag ipinagdamot natin ang buhay—kapag hindi natin ito maialay, hindi maipagpasalamat, kapag ayaw nating mahati para maibahagi, para maubos. Walang kuwenta ang buhay na para sa sarili lang, walang pinag-aalayan.
Ang susi sa tinatawag na milagro ng pagpapakain ng limang libo ay hindi magic. Limang tinapay na gawa sa sebada at dalawang isda. Alay ng dukha. Kasi, para sa mga Hudyo, ang sebada ay pagkain ng kabayo. Pero noon, ang mga dukha, dahil hindi ma-afford ang tinapay na gawa sa trigo, ok na sa kanila ang tinapay na gawa sa sebada. Parang kanin na hindi galing sa bigas o palay kundi sa mais. Pagkain ng mahirap. Iyon ang susi o tanda ng Eukaristiya na magpapakain ng marami: kagandahang-loob, kahandaan na magbahagi kahit mula sa pangangailangan.
Di ba ito ang naging susi rin ng lumaganap na community pantries noong pandemya? Naglagay lang si Patreng ng TANDA o mensahe, nagets ng marami: “Kumuha ayon sa pangangailangan, magbigay ayon sa kakayahan.” Kahit ay pinakadukha ay mayroon pa ring maibibigay, huwag itong maliitin! Kahit mayroon tayong pangangailangan, alam natin na laging mayroong mga taong mas higit na nangangailangan kaysa sa atin.

Kasabihan sa Ingles—Generosity breeds generosity. Kung ang pagiging mapagbigay ay nakakahawa, ang pagiging madamot ay nakakahawa din. Ito ang gabay na ibinibigay ni Hesus sa mga alagad niya—na iniwan niya bilang TANDA at SAKRAMENTO sa Eukaristiya. Ito ang aking katawan, ito ang aking dugo. Tandaan ang totoong susi ng milagro ng pagpaparami—ang kahandaang maging parang tinapay, mahati, makain, maubos hanggang sa walang maiwan kundi mga pira-pirasong tira-tira. Ito ang pinapulot ni Hesus sa mga alagad niya dahil sagrado sa kanya ang mga mumo. Ganyan din ang marami sa ating mga lolo’t lola—naging mga halimbawa sila ng buhay na waldas, bigay-todo, di-takot maubos, hindi maramot. Madalas ilarawan ang kaharian ng Diyos bilang isang kainan na may saganang pagkain sa mesa. Pero ako sa palagay ko, sa mesa ng langit ang pagkain ay mga dakilang tira-tira. Sila ang pinapupulot ng Diyos sa mga anghel at iniuuwi sa mesa ng langit dahil naging saksi at patotoo sila ng kanyang kagandahang-loob.

Sa araw na ito, hanggang bukas, magbibigay daw ng plenary indulgence si Pope Francis na tinawag na Lolo Kiko ng mga Pilipino. Karaniwan ang plenary indulgence ay para sa mga nagpipilgrimage sa mga sagradong lugar. Sabi ni Lolo Kiko, dalawin ninyo ang mga lolo’t lola ninyo at may plenary indulgence kayo. Bakit? Dahil ang mga dakilang tira-tira na katulad nila ay sagrado sa mata ng Diyos. Sila, na hanggang sa pagtanda, hanggang sa huling hininga—patuloy pa ring inilalaan ang anumang natitira sa kanilang buhay para sa minamahal.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

Monday, November 18, 2024 7:00 am 7:00 am

13,020 total views

13,020 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

Saturday, November 16, 2024 7:00 am 7:00 am

23,135 total views

23,135 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

Friday, November 15, 2024 7:00 am 7:00 am

32,712 total views

32,712 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

Thursday, November 14, 2024 7:00 am 7:00 am

52,701 total views

52,701 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

Wednesday, November 13, 2024 7:00 am 7:00 am

43,805 total views

43,805 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »

catholink

Shadow

truthshop

Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

6,678 total views

6,678 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »

Monday, September 30, 2024 10:26 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

8,808 total views

8,808 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »

Monday, September 16, 2024 8:34 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

8,807 total views

8,807 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »

Saturday, September 14, 2024 8:25 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

8,809 total views

8,809 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »

Friday, September 13, 2024 8:25 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

8,805 total views

8,805 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »

Thursday, September 12, 2024 8:25 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

9,677 total views

9,677 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »

Sunday, September 8, 2024 3:44 pm

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

11,879 total views

11,879 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »

Monday, August 26, 2024 10:16 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

11,912 total views

11,912 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »

Sunday, August 25, 2024 8:23 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

13,266 total views

13,266 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »

Friday, August 23, 2024 7:28 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

14,362 total views

14,362 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »

Monday, August 19, 2024 10:21 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

18,570 total views

18,570 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »

Saturday, August 17, 2024 7:21 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

14,289 total views

14,289 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »

Sunday, August 11, 2024 11:13 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

15,658 total views

15,658 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »

Monday, August 5, 2024 7:27 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

15,920 total views

15,920 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »

Sunday, August 4, 2024 7:27 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

11,138 total views

11,138 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »

Saturday, July 27, 2024 12:12 pm

Latest Blogs

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuesday, November 19, 2024 7:00 am

Rev. Fr. Jerico Habunal

Friday, November 8, 2024 12:59 pm

Rev. Fr. Jerico Habunal

Thursday, November 7, 2024 12:54 pm

Rev. Fr. Jerico Habunal

Wednesday, November 6, 2024 12:54 pm

Rev. Fr. Jerico Habunal

Tuesday, November 5, 2024 12:54 pm

Rev. Fr. Jerico Habunal

Monday, November 4, 2024 12:54 pm

Rev. Msgr. Wilfredo Andrey

Sunday, November 3, 2024 9:07 am

Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Sunday, November 3, 2024 9:04 am

Rev. Fr. Jerico Habunal

Sunday, November 3, 2024 8:34 am

Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Sunday, November 3, 2024 7:00 am

Rev. Fr. Jerico Habunal

Saturday, November 2, 2024 7:53 am

Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Friday, November 1, 2024 8:45 am

Rev. Fr. Jerico Habunal

Friday, November 1, 2024 7:53 am

Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Thursday, October 31, 2024 8:44 am

Rev. Fr. Jerico Habunal

Thursday, October 31, 2024 7:53 am