NAKITA KITA - VeritasPH (original) (raw)

11,808 total views

Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51

“Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome. Alam ng marami sa inyo na maaga akong gumising araw-araw para magkape. Dinadala ko ang kape ko sa loob ng aking oratory sa bahay. Doon, imbes na luhuran, ang meron ay cofeetable. At ang tawag ko sa dalawang oras na prayer period ko araw-araw tuwing umaga ay COFFEE WITH JESUS. Isa sa pinakamadalas kong gamiting paraan ng pananalangin ay ang tinatawag ni San Ignacio de Loyola na “Contemplation”. Binabasa ko muna ang mga readings for the day. Pagkabasa, tumatahimik ako, pumipikit para ilarawan ang nabasa ko sa imahinasyon—para akong nanonood ng sine sa isip ko. Nakikita ko ang sitwasyon na binanggit sa binasang kuwento sa ebanghelyo, ang kapaligiran, ang mga karakter, ang pag-uusap nila. Doon, madalas parang unti-unting nabubuo ang kuwento. Pumapasok ako sa eksena, nagiging participant ako sa nangyayari imbes na manood lang.

Parang ganoon ang ginawa ni Dallas Jenkins sa karakter ni San Bartolome sa TV episode na THE CHOSEN. Binigyan niya ito ng konteksto. Doon, isang trying-hard na architect-engineer si Bartolome, napabilib niya ang mga Romans sa husay niyang magdesign ng mga bahay. Kinontrata siya para magtayo ng bahay, pero mali ang kalkulasyon niya sa mga poste at biga, kaya minsan isang araw, pumalpak ang construction, nagkaroon ng aksidente, gumuho ang itinatayong gusali at may namatay pa sa mga trabahador.

Ang kasunod ay isang eksena under the fig tree. Depressed na depressed si Bartolome, matagal siyang parang tulala na nakatingala sa langit, inilabas niya ang sama ng loob sa Diyos. “Dasal ako nang dasal sa iyo, hindi mo naman ako pinakikinggan.” Gusto sana niyang magbigti na lang sa isang sanga ng puno pero di niya magawa. Sinunog na lang niya ang mga iginuhit niyang mga plano ng mga bahay, at pagkatapos ay naglasing siya. Kinabukasan noon nga siya tinawag ni Felipe para sabihan na nakita na nila ang Mesiyas—isang taong ang pangalan ay Hesus na taga-Nazareth. Bugnot pa rin ang dating niya. Noon nga niya sinabi, “Meron bang mabuting pwedeng manggaling sa lugar na iyon?” At nang magkita sila ni Hesus sinabi nga sa kanya, “Narito ang isang tunay na Anak ni Israel, walang pagkukunwari.” React naman siya. Sabi niya, “Paano n’yo ako nakilala?” Nagtagpo ang mga mata nila at noon nga sinabi ni Hesus sa kanya, “Nakita kita… sa ilalim ng punong igos.” Noon bumalik sa alaala niya noong nakaupo siya sa ilalim ng punong igos, noong tumingala siya sa langit at inilabas ang sama ng loob sa Diyos at sinunog ang mga disenyo niya. Biglang naramdaman niya na ang Diyos na sinusumbatan pa lang niya noong nakaraang araw ay naririto ngayon sa kanyang harapan at sumasagot sa panaghoy niya, “HIndi ka nag-iisa. Naroon ako, nakita kita.” Parang naulit kay Bartolome ang karanasan ng ninuno niyang si Jacob noong tinatakasan pa niya ang kuya niya dahil sa matinding galit nito sa kanya. Nakita niya sa panaginip niya ang isang hagdan sa pagitan ng langit at lupa, at ang mga anghel na umaakyat at bumababa, at ang Diyos na kaharap niya. Tinawag niyang Bethel ang lugar na iyon—Bahay ng Diyos at Pintuan ng Langit.

Tulad ni Jacob, ang magiging kasunod ng karanasang iyon ay isang matinding pagbabago sa buong direksyon ng buhay niya. Ang dating ambisyoso at mapanlinlang na karakter niya ay matututong magpakatotoo. Parang balatkayo na tatanggalin niya ang dati niyang ugali, babaguhin ni Hesus ang kanyang pagkatao, isasabuhay na niya ang tunay na kahulugan ng kanyang pangalang Nataniel na ang ibig sabihin ay REGALO NG DIYOS. Kaya sinabi ni Hesus sa kanya, “Naniniwala ka na dahil sinabi kong NAKITA KITA SA ILALIM NG PUNO NG IGOS? Higit pa riyan ang makikita mo. Bubukas ang langit at makikita mong umaakyat at bumababa ang mga anghel sa Anak ng Tao.” Ang tinutukoy ni Hesus ay ang pangitain ni Jacob—ang nakita nito sa panaginip na magiging misyon niya sa buhay—ang maging hagdan na mag-uugnay sa langit at sa lupa. Pero imbes na hagdan ngayon ang tagapag-ugnay ay ang Anak ng Diyos na naging Anak ng Tao upang tayong mga anak ng tao ay maging mga kaanak ng Diyos.

Doon sa Rome, sa Vatican city, sa Sistine Chapel kung saan ibinoboto ng mga Cardinal ang isang bagong Santo Papa, doon sa kisame ng Kapilyang iyon ipininta ni Michelangelo ang mga hubad na apostol. Pinaka-kakaiba si San Bartolome—may hawak siyang balat na para bang hinubad niya. Sabi nila, iyon daw ang ikinamatay niya. Tinortyur daw siya at binalatan nang buhay. Masyado namang literal iyon. Sa palagay ko, iyon ay matalinghaga. Isang paglalarawan sa conversion story na nagpabago sa pagkatao ni Bartolome upang maging isang tunay na regalo ng Diyos sa mundo, isang Nataniel.

Dasal ko para sa inyong lahat sa araw na ito ng kanyang kapistahan lalo na sa mga nasisiraan ng loob, sa mga taong ang tingin sa sarili ay failure, mga natutuksong gumive-up o nawawalan na ng pag-asa sa buhay, baka dumating din sa inyo ang sandali na makatagpo ninyo siya. Baka nga ito mismo ang sandali na maririnig ninyo siya at sasabihin niya sa inyo: “I see you. I feel your pain. I know what you are going through.” Nakikita kita. Ramdam ko ang pinagdadaanan mo. Ang akala mo’y katapusan ay simula pa lamang ng isang bagong yugto sa buhay mo, simula ng isang bagong kabanata sa iyo bilang kabahagi ng buhay ko at misyon, sa buhay at misyon ng simbahan sa mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

Monday, November 18, 2024 7:00 am 7:00 am

7,300 total views

7,300 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

Saturday, November 16, 2024 7:00 am 7:00 am

17,415 total views

17,415 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

Friday, November 15, 2024 7:00 am 7:00 am

26,992 total views

26,992 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

Thursday, November 14, 2024 7:00 am 7:00 am

46,981 total views

46,981 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

Wednesday, November 13, 2024 7:00 am 7:00 am

38,085 total views

38,085 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »

catholink

Shadow

truthshop

Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

6,575 total views

6,575 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »

Monday, September 30, 2024 10:26 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

8,705 total views

8,705 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »

Monday, September 16, 2024 8:34 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

8,704 total views

8,704 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »

Saturday, September 14, 2024 8:25 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

8,706 total views

8,706 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »

Friday, September 13, 2024 8:25 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

8,702 total views

8,702 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »

Thursday, September 12, 2024 8:25 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

9,573 total views

9,573 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »

Sunday, September 8, 2024 3:44 pm

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

11,775 total views

11,775 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »

Monday, August 26, 2024 10:16 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

13,162 total views

13,162 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »

Friday, August 23, 2024 7:28 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

14,259 total views

14,259 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »

Monday, August 19, 2024 10:21 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

18,467 total views

18,467 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »

Saturday, August 17, 2024 7:21 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

14,186 total views

14,186 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »

Sunday, August 11, 2024 11:13 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

15,555 total views

15,555 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »

Monday, August 5, 2024 7:27 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

15,816 total views

15,816 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »

Sunday, August 4, 2024 7:27 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

24,509 total views

24,509 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Monday, July 29, 2024 8:22 am

Bishop Ambo Homilies

Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

11,130 total views

11,130 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »

Saturday, July 27, 2024 12:12 pm

Latest Blogs

Rev. Fr. Jerico Habunal

Friday, November 8, 2024 12:59 pm

Rev. Fr. Jerico Habunal

Thursday, November 7, 2024 12:54 pm

Rev. Fr. Jerico Habunal

Wednesday, November 6, 2024 12:54 pm

Rev. Fr. Jerico Habunal

Tuesday, November 5, 2024 12:54 pm

Rev. Fr. Jerico Habunal

Monday, November 4, 2024 12:54 pm

Rev. Msgr. Wilfredo Andrey

Sunday, November 3, 2024 9:07 am

Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Sunday, November 3, 2024 9:04 am

Rev. Fr. Jerico Habunal

Sunday, November 3, 2024 8:34 am

Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Sunday, November 3, 2024 7:00 am

Rev. Fr. Jerico Habunal

Saturday, November 2, 2024 7:53 am

Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Friday, November 1, 2024 8:45 am

Rev. Fr. Jerico Habunal

Friday, November 1, 2024 7:53 am

Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Thursday, October 31, 2024 8:44 am

Rev. Fr. Jerico Habunal

Thursday, October 31, 2024 7:53 am

Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Wednesday, October 30, 2024 8:44 am