Tunnel of friendship - VeritasPH (original) (raw)
75,862 total views
Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore.
Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang Katoliko. Sa capital nito na Jakarta, nagkaroon ng pagkakataon si Pope Francis na makadaupang-palad ang Grand Imam na si Nasaruddin Umar, isa sa mga may pinakamataas na awtoridad sa relihiyong Islam.
Binisita nila ang Tunnel of Friendship, isang daanan na kinokonekta ang national mosque ng Indonesia sa isang Katolikong katedral. Nakakabagbag-damdamin ang paghalik ng Imam sa ulo ng Santo Papa at paghawak at paghalik ng Santo Papa sa kamay ng Imam. Ang mga aksyong ito ay simboliko sa kanilang paglalabas ng panawagan, o joint call, para sa pagkakaroon ng interfaith friendship, o pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng relihiyon.
Napapanahon ang panawagang ito ngayon sa gitna ng tinatawag na polarization o pagkakahati-hati at pagkakalayu-layo ng mga tao dahil sa pagkakaiba ng mga paniniwala. May mga pagkakataong ang pagsasabuhay ng kanilang paniniwala ay umaabot sa puntong nakapananakit na sila ng mga hindi nila kapareho ng pananampalataya o relihiyon. Isang matinding halimbawa nito ay ang mga terrorist groups na ginagawang dahilan ang kanilang relihiyon sa paggamit ng karahasan laban sa mga hindi nila karelihiyon.
Ang polarization na ito ay makikita rin natin sa mga paniniwalang pulitikal. Mismong mga pulitiko sa ating bansa ay namemersonal sa kanilang trabaho at gumagawa ng mga desisyon, kahit hindi tama, para lang hindi umayon sa kabilang panig. Sa madaling salita, imbis na interes ng mga taumbayan ang pag-ukulan ng pansin, gaya ng pagpapatupad ng mga programang tutugon sa kanilang pangangailangan, sariling interes nila ang umiiral. Talamak din ang pag-aaway-away ng mga tao sa social media para ipagtanggol ang kanilang sinusuportahang pulitiko. Hindi na nila pinakikinggan ang punto ng kabilang panig.
Hindi naman natin sinasabing iisa lang ang paniniwala ng lahat ng tao upang hindi tayo magkawatak-watak. Hindi mawawala ang pagkakaiba-iba ng pananaw dahil sa iba’t ibang pagkakakilanlan, o identity, ng mga tao, at sa lawak ng mundo at dami ng posibilidad. Mahirap ding umunlad kung makukulong lang tayo lahat sa iisang echo chamber o isang sistemang pare-parehas na ideya na lamang ang naririnig at wala nang espasyo para sa naiiba at bagong ideya na maaaring mas mapayaman ang ating mga pinaniniwalaan.
Ang higit na kailangan natin ngayon ay ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba. Mangyayari ito kung mayroong mga “authentic social dialogue,” gaya ng sinabi ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti. Ito raw ay pakikipag-usap sa iba nang may pagrespeto sa kanilang pananaw at pagkilala na maaaring may mga lehitimo silang paninindigan at paniniwala.
Mga Kapanalig, katulad ng Santo Papa at ng Imam ng Indonesia, maging bukás sana tayong makipagkapatiran sa mga taong naiiba ang pananaw at paniniwala sa atin. Huwag sana tayong makulong sa paniniwalang tayo lang ang tama at mali ang iba. Sa halip, sikapin nating gumawa ng tunnel of friendship na kokonekta sa atin sa ating kapwa, imbis na magtayo ng mga pader na maghihiwalay sa atin. “Pagsikapan [nating] gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpalakas sa isa’t isa,” gaya ng sabi sa Roma 14:19.
Sumainyo ang katotohanan.
Veritas Editorial
Rev. Fr. Anton CT Pascual
President of Radio Veritas
Interesado pa ba ang bise-presidente?
Monday, September 30, 2024 7:00 am 7:00 am
18,027 total views
18,027 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito
18,271 positions
Saturday, September 28, 2024 7:00 am 7:00 am
30,952 total views
30,952 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.
Iligtas ang mga bata
Wednesday, September 25, 2024 7:00 am 7:00 am
51,986 total views
51,986 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online. Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang
Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila
Tuesday, September 24, 2024 5:17 pm 5:17 pm
61,274 total views
61,274 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang
Serbisyo, hindi utang na loob
Monday, September 23, 2024 7:17 am 7:17 am
48,878 total views
48,878 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,
catholink
truthshop
Related Story
Latest Blog
Interesado pa ba ang bise-presidente?
18,028 total views
18,028 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito
Monday, September 30, 2024 7:00 am
Latest Blog
18,271 positions
30,953 total views
30,953 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.
Saturday, September 28, 2024 7:00 am
Latest Blog
Iligtas ang mga bata
51,987 total views
51,987 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online. Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang
Wednesday, September 25, 2024 7:00 am
Latest Blog
Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila
61,275 total views
61,275 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang
Tuesday, September 24, 2024 5:17 pm
Latest Blog
Serbisyo, hindi utang na loob
48,879 total views
48,879 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,
Monday, September 23, 2024 7:17 am
Latest Blog
Tao ang sentro ng trabaho
75,615 total views
75,615 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag
Wednesday, September 18, 2024 7:17 am
Latest Blog
Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk
70,928 total views
70,928 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o
Tuesday, September 17, 2024 7:17 am
Latest Blog
Teenage pregnancy
126,422 total views
126,422 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,
Friday, September 13, 2024 7:32 am
Latest Blog
Magnanakaw ng dignidad ang traffic
131,581 total views
131,581 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,
Thursday, September 12, 2024 7:30 am
Latest Blog
Iba’t ibang paraan ng pabahay
111,772 total views
111,772 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring
Wednesday, September 11, 2024 7:00 am
Latest Blog
Dugo sa kamay ng mga pulis
53,202 total views
53,202 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan
Tuesday, September 10, 2024 7:00 am
Latest Blog
“Same pattern” kapag may kalamidad
61,883 total views
61,883 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak
Monday, September 9, 2024 7:00 am
Latest Blog
Moral conscience
76,645 total views
76,645 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating
Saturday, September 7, 2024 7:00 am
Latest Blog
Pagpa-parking/budget insertions
83,760 total views
83,760 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong
Friday, September 6, 2024 7:00 am
Latest Blog
Season of Creation
56,710 total views
56,710 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala
Thursday, September 5, 2024 7:00 am
Latest Blogs
Monday, September 30, 2024 10:26 am
Monday, September 30, 2024 10:24 am
Sunday, September 29, 2024 8:24 am
Sunday, September 29, 2024 8:14 am
Sunday, September 29, 2024 8:10 am
Sunday, September 29, 2024 7:00 am
Saturday, September 28, 2024 8:01 am
Friday, September 27, 2024 8:10 am
Friday, September 27, 2024 8:01 am
Thursday, September 26, 2024 8:10 am
Thursday, September 26, 2024 8:01 am
Wednesday, September 25, 2024 5:15 pm
Wednesday, September 25, 2024 4:54 pm
Tuesday, September 24, 2024 4:48 pm
Monday, September 23, 2024 5:08 pm