Axle Christien Tugano | University of the Philippines Los Baños (original) (raw)

Journal Articles by Axle Christien Tugano

Research paper thumbnail of Ang Popularidad ng Phallic Jokes: Isang Kritikal na Pagsusuri sa mga Phallokratikong Pahayag ni Rodrigo Duterte sa Midya

Plaridel Journal of Communication, Media, and Society, 21(1): 215–265, 2024

Bahagi ng lipunang Pilipino ang pagbibiro, polemikal man ito o sinasalita. Ngunit kahit kailan, h... more Bahagi ng lipunang Pilipino ang pagbibiro, polemikal man ito o sinasalita. Ngunit kahit kailan, hindi maituturing na “magandang biro” ang anumang sexista, patriarkal, machismo, o misogynistang pahayag na nagpapatibay sa kultura ng impunidad katulad ng panghihipo, panggagahasa, pananakit, at pang-aabuso. Naging popular ang Duterte jokes, lalo na ang mga birong nagtampok sa kaniyang phallus, sa midya at tiningnan bilang “katawa-tawang” pahayag na kung tutuusin ay sumagasa sa ilang kaugalian at kalinangang Pilipino. Layunin ng pag-aaral na ito ang malapatan ng kritikal na pagsusuri ang mga naging pahayag ni Duterte na may direktang kinalaman sa kaniyang pagiging phallocrat, isang uri ng lider na nagpapakatianod sa sexistang patriarka. Mula sa dalawang pahayag niya hinggil sa kaniyang aring lalagpas sa pusod (mula sa 2019) at kaniyang sariling pagpapakahulugan sa utog (mula sa 2017 at 2019), sinuri kung paanong namayani, tinanggap, at pinagtawanan ng mga tagapakinig ang ganitong uri ng biro. Ang bahaging ito ng pag-aaral ay sumentro sa teksto ng popularidad ng mga birong kabastusan ni Duterte. Isang mito lang kung tutuusin na ang kaniyang mga phallokratikong pagbibiro ay bumaba sa kaunawaang masa at nagpapakita ng imahen ng bayang Pilipino, sapagkat kung susuriin, nilapastangan niya ang mga konseptong pangkalinangan at pangkamalayan ng mga Pilipino. Sa ganitong pananangkapan, napapatunayan tuloy ang penomeno kung paano at bakit napagtagumpayan ng mga post-kolonyal phallocrat na katulad ni Duterte na kuhanin ang loob ng sambayanan sa pamamagitan ng pagbibiro.

Research paper thumbnail of Kasaklawan ng Diskursong Pangturismo sa Pilipinas: Isang Pundamental na Pagsusuri sa Paglalakbay

Philippine Women's University Research Journal, 10(2): 28–70, 2023

Karaniwang nasasagkaan ng pinamamayaning pamantayan at perspektibang hinango mula sa labas ang ko... more Karaniwang nasasagkaan ng pinamamayaning pamantayan at perspektibang hinango mula sa labas ang konfigurasyon ng pag-aaral sa kasaklawang pangturismo ng mga Pilipino. Mula sa sinasaligang epistemolohiya hanggang sa praksis ng disiplinang ito na malaong maglilimita sa makaPilipinong dalumat kaugnay ng paglalakbay. Gayumpaman, hindi pa rin isinasantabi ang mga dulog mula sa labas dahil lamang sa kaligiran nito. Sa halip, layunin pa ng artikulong ito na angkinin ang Tourism Studies at tangkaing maipasok sa talastasang F/Pilipino ang usapin ng turismo at paglalakbay na direktang aapuhap sa tatlong espisipikong aspekto: (1) kalagayan ng turismo at paglalakbay sa Pilipinas; (2) pangunahing salik sa paglalakbay; at malaong itatawid sa (3) sosyo-kultural at politiko-ekonomikong kinahinatnan ng paglalakbay. Sa diwa ng binubuong Araling Pangmanlalakbay sa diwa ng Araling Kabanwahan, hindi lamang nito nilalayong maipakita ang ugnayan at/o pag-uugnay ng turismo at paglalakbay sa Pilipinas at Timog Silangang Asya. Bukod sa panunuring pangkalinangan, layunin ding maipakita ng Araling Pangmanlalakbay ang panunuring panlipunang nakasalig sa katarungan ng turismo at paglalakbay. Sa ganitong pagtatangka, maipopook ang diskursong pangturismo ng mga Pilipino hindi lamang sa kaniyang sariling bayan ngunit maging sa Timog Silangang Asya at sa daigdig.

Research paper thumbnail of Mga Bantayog ni Jose Rizal sa New South Wales, Australia at Pagtatakda ng mga Espasyong Pilipino

Journal of Philippine Local History & Heritage 9(1): 90–181, 2023

Hindi na bago ang pag-aaral tungkol sa mga bantayog, monumento, o busto ni Jose Rizal. Ngunit, ka... more Hindi na bago ang pag-aaral tungkol sa mga bantayog, monumento, o busto ni Jose Rizal. Ngunit, kasabay ng pagsibol ng mga paksang nakikitianod sa kanya ay ang walang hanggang pagpapatayo rin ng mga monumento, liwasan, at lansangang nagtatampok sa kanyang karangalan. Tunay na larawan ng pangkalahatang identidad ang bawat monumento dahil sinasagisag nito ang historikal na kahalagahang mayroon ang isang bansang nirerepresenta nito. Ipinapasundayag sa bawat munisipalidad, lungsod, at lalawigan sa Pilipinas ang kani-kanilang monumento o estatuwa ni Rizal na madalas makikita sa sentro ng pamahalaan, plaza, o sa paaralan. Patuloy pang lumolobo at malaganap ang pagpapatayo noong sentinyal, seskisentinyal, at inaasahan pa sa mga susunod na dantaonang paggunita kay Rizal. Naipamamalas ang kabayanihan at kadakilaan ni Rizal hindi lamang sa buong Pilipinas ngunit maging sa ibayong dagat (kahit hindi niya ito personal na narating). Sa ganitong pagtatangka, naambagan tuloy nito ang pagpapayabong sa Araling Kabanwahan bilang pag-aaral sa mga kaugnay na bayan/ibang bayan at kabihasnan/ibang kabihasnan. Sumalok at sumaklaw din ito ng malawakang pag-aaral tungkol sa diplomasya o ugnayang panlabas at migrasyon ng Pilipinas sa ibayong dagat. Dito na maaaring maipasok si Rizal na kinasangkapan ng diplomasya o ugnayang panlabas (sa anyo ng pagtatakda ng sister city at iba pang mga gawaing pampolitika) at higit sa lahat, ang migrasyon (sa anyo ng mga migranteng Pilipino) na pumaimbulog sa pagsasaespasyong Pilipino sa ibayong dagat. Bagaman milya-milya ang distansiya ng mga Pilipino mula sa kanilang sariling bayan tungo sa inaangking bayan, hindi ito nagiging hadlang sa pagbubuo ng kanilang identidad. Ang direktang akses/pakikipag-ugnay ng mga Pilipino sa anomang simbolo/representasyon ay isang malaking bahagi ng paggigiit ng kompleksidad at dimensyonal na perspektibang Pilipino. Sa magkatuwang na pagpapahalagang Araling Rizal at Araling Kabanwahan, aambagan ng artikulong ito ang literaturang magtatanghal sa tálabang espasyong Rizal at espasyong Pilipino sa ibayong dagat. Tuon nito ang New South Wales, Australia na kakikintalan ng mga munting espasyong Rizal. Naging marka ang mga pampublikong espasyong ito ng pagkakakilanlang Pilipino.

Research paper thumbnail of Mga Pangako ng Puso, Mga Sakripisyo ng Kamay: Imahen ng Estados Unidos bilang Kanlungang Pilipino Batay sa mga Piling Pelikula ni Olivia Lamasan

Hasaan Journal, 7(1): 41–73, 2023

Integral ang ipinahihiwatig ng mga pelikula sa Pilipinas na direktang nagtampok sa mga kuwentong ... more Integral ang ipinahihiwatig ng mga pelikula sa Pilipinas na direktang nagtampok sa mga kuwentong pag-ibig at paghahanapbuhay ng mga migranteng Pilipino sa ibayong dagat. Patok sa lipunang Pilipino ang mga pelikulang nakakakilig, nakapagbibigay ng ligaya, at inspirasyon. Ngunit hindi din dapat kaligtaan ang isa pang temang maaaring umusbong mula dito—ang kalagayan at danas ng mga karakter, hindi lamang bilang mangingibig, kundi bilang manggagawa din. Kung gayon, pagkalas ito panandalian sa kinasanayang pagtrato sa mga romantic movie ng mga Pilipino sa payak nitong anyo bilang kuwentong pag-ibig lamang. Bagkus, malaong holistikong magsisiwalat sa malawakang diaspora at realidad ng paggawang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Layunin ng artikulong ito na muling ipasundayag ang pagtatalaban ng puso na siyang simbolo ng pag-ibig at kamay na kumakatawan o metapora ng paghahanapbuhay. Partikular na susuyurin ang dalawang pelikula na nasa direksiyon ni Olivia Lamasan, na nagtampok sa mga Pilipino sa Estados Unidos—ang Sana Maulit Muli at In My Life.

Research paper thumbnail of Diaspolove: Isang Pagsusuring Tipolohikal sa mga Pelikula ni Olivia M. Lamasan ukol sa Hanapbuhay at Pag-ibig

Philippine Women's University Research Journal, 10(2): 1–27, 2023

Nilalayon ng pag-aaral na ito ang isang pagsusuri at/o pagsasalansang tipolohikal ukol sa ilang p... more Nilalayon ng pag-aaral na ito ang isang pagsusuri at/o pagsasalansang tipolohikal ukol sa ilang pelikulang direktang tumuon sa danas at naratibo ng mga manggagawa, mangingibig, at/o manggagawang mangingibig—partikular na ang mga pelikulang idinirehe ni Olivia M. Lamasan. Sa paglago ng anomang larang katulad ng media studies, mahalaga rin ang pagsipat ng tipolohiya at/o pagsasaklasipika batay sa uri ng mga ipinamamayaning paksa. Ito ay upang matukoy ang pinagmumulan at/o pinaghuhugutang idea at inspirasyon ng mga kumatha at higit sa lahat, ang pananalamin sa realidad ng lipunan sa panahon kung kailan ito kinatha. Nakasandig ang panunuring ito hindi lamang sa tradisyonal na pagbubuod ng mga kinathang pelikula, ngunit refleksibo rin uugatin ang kayariang panlipunan nito sa kasalukuyang direksiyon ng edukasyon at nakapangyayaring pagpapahalaga sa mga Pilipinong sining. Ang mga pelikulang Pilipino, lalo pa’t kung malaya at mapagpalaya ay maituturing na isang ekstensiyon at salamin ng mga communal ethos ng sambayanan at kalinangang Pilipino.

Research paper thumbnail of Sampung Taon na ang Nakalilipas… Isang Naratibong Pagsusuri sa Danas at Alaala ng mga Marikeño sa Panahon ng Kalamidad Dulot ng Bagyong Ondoy (2009)

Diwa E-Journal 8(1): 31–68, 2022

Layunin ng komemoratibong pag-aaral na ito, gamit ang isang naratibong pagsusuri, ang pagturol sa... more Layunin ng komemoratibong pag-aaral na ito, gamit ang isang naratibong pagsusuri, ang pagturol sa danas at alaala ng mga Marikeño sa panahon ng pananalasa at/o pagbahang idinulot ng Ondoy (Ketsana) noong 2009 at sa mga panahong pagkatapos nito. Habang sentro ng pag-aaral na ito ang apat na barangay ng lungsod o ang mga tinatawag na “tabing-ilog”—Nangka, Tumana, Malanday, at Concepcion Uno—gumamit ang pananaliksik ng dalawang pangunahing método, pakikipagpanayam at pakikipagkuwentuhan. Sa kinasapitan, nakapagluwal ang pananaliksik na ito ng dalawang pangunahing bahagi: una, mga naratibo ng danas at alaala sa panahon ng pananalasa ng Ondoy atikalawa, pagsisiyasat sa mga sumunod na panahon. Sa kabuoan, nakapaglatag ang pag-aaral na ito ng pitong dalumat ukol sa kahulugan, kabuluhan, at konteksto ng Ondoy sa pananaw ng mga Marikeño: (1) delubyo, (2) kaparusahan, (3) kaligtasan, (4) pagtulong, (5) palatandaan, (6) takot, at (7) kasanayan.

Hatid ng pag-aaral na ito ang isang implikasyong magpapahalaga sa dalawang bagay—(1) Araling at Kasaysayang Pangkapaligiran o isang subdisiplinang kakanlong sa pag-aaral ng kasaklawan ng kalikasan at kapaligirang Pilipino at (2) Kasaysayang Pampook o pagsasalaysay ng kasaysayan ukol sa isang partikular na pook. Samakatwid, ang kabuoang implikasyon ay magbibigay-linaw at ambag sa saysay ng Ondoy bílang bahagi ng kalikasan at kapaligirang Marikeño sa unang banda at ang saysay ng Marikina bílang pook sa kabilang banda.

Research paper thumbnail of Salin at Anotasyon ng mga Dokumento ng H. Otley Beyer Ethnographic Collection Ukol sa Marikina

Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 5(2): 39–92, 2022

Ang pagsasalin ay hindi lamang payak na pagtutumbasan ng mga salita sa pagitan ng dalawang wika. ... more Ang pagsasalin ay hindi lamang payak na pagtutumbasan ng mga salita sa pagitan ng dalawang wika. Isang anyo rin ito ng kapangyarihan ng isang kalinangan na ipasok ang mga elementong banyaga sa sinapupunan ng sarili upang maging bahagi ng kabuuang kaalamang bayan. Akto ito ng pag-aangkin, na lagpas sa mababaw na antas ng panghihiram, sapagkat anumang isinasalin tungo sa sariling wika-at-kalinangan ay wala nang balak na ibalik pa sa pinagmulang lengguwahe-at-kultura. Sa prinsipyong ito nakasalalay ang yumayabong na tradisyon ng pagsasalin sa akademyang Pilipino, partikular sa eskwelang pangkaisipan na Bagong Kasaysayan. At sa tradisyon namang ito ng Bagong Kasaysayan, partikular sa diwa ng “mapanuring pagsasaling bayan,” inilunsad ang proyektong pagsasalin ng ilang piling dokumento ukol sa Marikina ng H. Otley Beyer Ethnographic Collection ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas, mula sa wikang Ingles tungo sa wikang Filipino. Liban sa pagsasalin, nilapatan din ito ng mga anotasyon na naglalayong magpaliwanag ng teksto, magkros-reperensya ng mga batis, magpook sa mas malawak na kalinangang Pilipino, at magbigay-diin sa saysay ng mga isinaling dokumento. Lahat ng ito ay alinsunod sa pagnanasa ng mga may- akda/tagapagsalin na mag-ambag sa larangan ng Araling Marikina, at sa mas malawak na adhikain ng pagsasa-Filipino ng akademyang Pilipino.

Research paper thumbnail of Ang Phallokrasiya ni Duterte sa Midya bilang Mang Kanor ng Politikang Pilipino

Talastasan: A Philippine Journal of Communication and Media Studies 1(2): 30–49, 2022

Pinagtibay ng administrasyong Duterte ang pananangkapan sa mga birong itinuring na pampasiglang b... more Pinagtibay ng administrasyong Duterte ang pananangkapan sa mga birong itinuring na pampasiglang bilang sa tuwing kinakausap ng pangulo ang taumbayan sa midya. Kaya’t tila isang melodramatiko o mala-teledramang inaabangan ng mga manonood at tagapakinig ang bawat pahayag ni Duterte habang pinamamayani ng huli ang mga 'birong' nagpapatingkad sa impunidad ng karahasan sa kababaihan, misogynista, at sexismo. Sa ilang pagkakataon, literal na ibinida ng populistang pangulo ang kaniyang phallus o titing nakatayo bilang larawan ng pagiging lalaki, matapang, at malakas at upang yurakan hindi lamang ang kababaihan ngunit para ipamukha ang 'kahinaan' ng mga kritiko. Kinalaunan, umusbong sa midya ang pagbabansag kay Duterte bilang 'Mang Kanor,' isang personalidad na ipinamamalas ang exhibisyonismo sa anyo ng mga pornograpikong bidyo. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang sosyo-politikal na aspektong umiinog kina Duterte at Mang Kanor at sa kung paano nila ginamit ang phallus upang magkaroon ng pamosong pagkakakilanlan sa midyang Pilipino.

Research paper thumbnail of Sa Repositoryo ng mga Kulturang Materyal: Personal na Tala ng Paglalakbay Ukol sa mga Museo sa Ibayong Dagat ng Asya-Pasipiko at Europa

Entrada Journal 8(1): 93–143, 2022

Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang n... more Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin ng mga propagandang maaaring mag-angat o magsantabi sa isang partikular na pangkat. Dahil karamihan sa mga museo ay binuo sa panahong post-kolonyal, maaaring pagnilayan ang namamayaning naratibo, representasyon, at pag-alala sa mga ito. Sa bawat museo, naitatanghal ba ang mga katutubo, kolonyal, o postkolonyal na kaisipan at pagpapakahulugan? Patas ba ang pakikisangkot ng bayan bilang nilalaman at bida ng mga museo, o tagatangkilik o tagamasid lamang sila sapagkat dinodomina na rin ito ng mga naghahari at makapangyarihang naratibo? Aambagan ng sanaysay na ito ang napapanahon at makabagong pagtingin sa museolohiyang kakawala sa naghaharing pananaw at pamantayan ng Kanluran—na kadalasa’y nagtanghal, walang humpay na nagbigay ng pagpapakahulugan, sa Silangan nitong mga nagdaang panahon. Bagaman hinugot at isinentro ito mula sa mga personal na paglalakbay, pagsusuruy-suroy, at obserbasyon ng may-akda sa mga museo nang siya’y maglakbay sa iba’t ibang bansa sa Asya-Pasipiko at Europa sa pagitan ng taong 2014 at huling bahagi ng 2019, naglatag naman ito ng ilang kritikal na pagsusuri at pagtingin tungkol sa (1) pagkakahati at nilalaman ng mga museong kanyang narating; (2) kalagayan ng mga artifact (sampu ng mga posibleng isyu rito); at (3) representasyon at layuning “isabansa” ang mga museo, na siyang maaaring ilapat din sa lipunang Pilipino. Liban pa rito, nilayon din ng sanaysay na ambagan ang umuusbong na Araling Kabanwahan—ang pag-aaral tungkol sa ugnayan/pag-uugnay-ugnay ng Pilipinas at ng mga ibang bayan sa labas nito na umaayon sa diwa, talastasan, at tunguhin ng pagka-Pilipino.

Research paper thumbnail of Hanapin ang Hiwaga: Labintatlong Alegorikal na Interpretasyon sa Netflix Animated Series na Trese

Kawing Journal 6(1): 53–88, 2022

Itinuturing ang Trese (2021) bilang kauna-unahang Netflix anime series na mula sa Pilipinas, sa b... more Itinuturing ang Trese (2021) bilang kauna-unahang Netflix anime series na mula sa Pilipinas, sa buong Timog Silangang Asya, at nasa labas ng Japan. Sa pagrerebyung ito, nilalayong maipamalas ang mataas na inklinasyon ng mga Pilipino sa kanilang mga alamat at mitolohiya. Bagaman hindi pa tapos ang serye, mahalaga pa ring tingnan ang kahalagahan ng Trese bilang holistikong paglalarawan sa imahe ng kultura at lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng labintatlong (13) malikhain at faktuwal na representasyong alegorikal ng Trese, nailatag ang saklaw at ispektrum ng pagka-Pilipino. Ang rebyung ito ay nahahati sa apat na sub-kategorya na itinema dulot ng lumabas na interpretasyon–(1) paglalarawan sa pisikal na katangian at pananaw o diskursong ginamit, na nilapatan ng literary criticism;(2) paano ipinamalas ng Trese ang kaugnayan at pagpapahalaga nito sa Kasaysayang Pilipino;(3) paglalatag ng ilang aspektong antropolohikal at sosyo-kultural sa anyo ng sektoral na representasyon ng kasarian at pamilya at pagtatampok sa ilang mga kulturang popular ng Pilipinas; at (4) ang Trese bilang panimulang daluyan ng diskursong pampolitika-burukratika at isang malinaw na depiksyon ng kasalukuyang klimang pulitikal ng Pilipinas.

Research paper thumbnail of A Decade of Trauma, Grievance, and Resiliency: The Testimonial Narratives of the Victims of 2009 Ondoy Flood Disaster in Marikina City, Philippines

International Journal of Transdisciplinary Knowledge 3(1): 11–22, 2022

This study is written as a commemoration to a decade of reminiscence of the 2009 tragedy brought ... more This study is written as a commemoration to a decade of reminiscence of the 2009 tragedy brought by Typhoon Ondoy in Marikina City, Philippines. This study focuses on the testimonies and personal experiences of distinct residents of the local communities or barangays of Tumana, Malanday, and Nangka. This study wants to bring out the trauma, grievance, and resiliency of Marikina residents during times of disaster and calamities. The interviewed people will provide narratives of their trauma, grievance, and resiliency. As a disclaimer, the study does not focus on what the local government has to say on the perspectives of their constituents on the said three aspects of this study. Instead, the study is meant to show how selected victims look at the steps taken by their local government to provide safety and security to the community

Research paper thumbnail of Ang Identidad ng Relihiyon, ang Relihiyon ng Identidad: Isang Anekdotal na Tala Bilang Manlalakbay sa Timog-Silangang Asya

Katipunan Journal 9(1): 97–142, 2022

This article aims to feature and present a collection of narratives on religion drawn from the au... more This article aims to feature and present a collection of narratives on religion drawn from the author’s travels in Southeast Asia, with a selective centering on experiences gathered from Thailand, Myanmar, and Indonesia. Since time immemorial in Asia, religion has played a substantial role in shaping each society’s identity, history, and culture. Religion can either instigate long-lasting camaraderie or even divisiveness. This paper focuses on how religion has reflected and enriched the diversity of Asian history and culture. Moreover, this paper demonstrates how religion influenced the political development process and became a de facto parameter of ethical standards. This article desires to contribute two things. First, via conveying an appreciation of anecdotal narratives as a sophisticated form of literature and a formal approach to describing an in-depth experience. Utilizing a form of descriptive storytelling undoubtedly constructs knowledge of the perceived other. Second, via contributing significantly to Araling Kabanwahan (or a Philippine approach to Area Studies and Regionalism Studies). Araling Kabanwahan, in this regard, serves as a powerful lens for an understanding of being a Filipino by studying the history of other localities in Asia, which in turn, broadens our perspective. Although this paper is not focused on the Philippine setting per se, it offers an avenue towards realizing the spectrum of similarities and differences of the Asian experience in terms of religion. Primarily gathered from first-hand accounts of various individuals from various religious backgrounds, this paper tackles experiences brought by Christianity, Islam, Buddhism, and Hinduism. It is important here finally to emphasize that the author acknowledges that he is a taga-labas, or an outsider from the ones being studied. Despite being an outsider, however, the author still attempted to apply an objective, academic, and unbiased approach to interpreting personal narratives.

Research paper thumbnail of Pagsasaespasyo at Pagpopook sa mga Pagkaing Pilipino sa New South Wales, Australia

Social Sciences and Development Review 13(1): 119–158, 2021

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na ugatin ang ugnayan ng Pilipinas at Australia –na labas... more Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na ugatin ang ugnayan ng Pilipinas at Australia –na labas o lalagpas sa padrong kinasanayang tumuon at kumiling sa usapin ng diplomasya, politikal, at iba pang usaping pang-estado-sa-estado at nasyon-sa-nasyon –na kung saan napag-iwanan at hindi gaanong nabibigyang tinig at tuon ang halagahin ng taumbayan sa kabuoan. Ang ganitong pamamayani ng Kanluraning pananaw ng Area Studies at Regionalism Studies ay sumasagka sa pagpapalitaw ng kaakuhang makaPilipino-Asyano. Kaya naman upang itaas ang taumbayan, pinahahalagahan sa pag-aaral na ito ang paggamit ng pananaw na kumatig sa balangkas ng Araling Kabanwahan at Kasaysayang Kabanwahan upang siyasatin ang ugnayan o pag-uugnay ng Pilipinas at ibayong dagat. Sa kasong ito, itinuon ang paksa sa pagsasaespasyo at pagpopook sa mga pagkaing Pilipino sa New South Wales, Australia nang sa gayon ay maitanghal ang “bayang Pilipino” sa entablado ng “ibang bayan.” Gayundin, karagdagang ambag ito sa pinagyayamang konsepto ng Kalutong Bayan. Liban sa aktuwal na pakikilahok ng mananaliksik sa espasyo ng Australia, gumamit din ito ng metodolohiyang taal sa mga Pilipino –gaya ng pagtatanong-tanong, pakikipagkuwentuhan o pagpapakuwento, patikim-tikim, pagtingin-tingin, at pagsusuruy-suroy na matagal nang pinagyayaman sa mundo ng Filipinisasyon.

Research paper thumbnail of Numismatikong Pag-aaral sa Kababaihan sa mga Salaping Pilipino at Indones sa Panahong Post-Kolonyal: Isang Panimulang Paghahambing

Diliman Gender Review 4(1): 54–124, 2021

Sinasagot ng artikulong ito ang kamakailang isyu na tatanggalin o papalitan ng “agila” ang tatlon... more Sinasagot ng artikulong ito ang kamakailang isyu na tatanggalin o papalitan ng “agila” ang tatlong personang nakamarka sa PHP 1,000 na sina Jose Abad Santos, Vicente Lim, at Josefa Llanes-Escoda na mga bayani noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinisipat din nito ang pag-alis kay Escoda na isang babae. Para sa mga nahirati sa distorsiyonismo at fake news, posibleng walang talab ang isyung ito at ipinagpapalagay lamang nilang simple at walang kabuluhan. Hindi lingid sa kanilang kaalaman, direkta itong pagbubura ng kolektibong gunita (collective memory) na kadalasang nakaumang sa mga kulturang materyal katulad ng salapi. Kaya’t dapat lamang na maiharap sa argumentong ito ang saysay ng Indonesia bilang halimbawa o panabla sa irasyonal na pagtingin ng ilang Pilipino sa isyung ito. Isa ang Indonesia sa mga lipunang may hitik na pagpapahalaga sa representasyon at identidad ng kababaihan sa mga salapi. Bagaman sumasalungat rito ang kasalukuyang pagtugon ng mga Pilipino, angkop namang paghambingin ang Pilipinas at Indonesia sapagkat sa maraming pagkakataon sa kasaysayan, nagkakatulad sila. Gamit ang perspektibang numismatiko (pag-aaral tungkol sa mga barya at salaping papel), bibigyan ng tinig at pagsusuri ang identidad ng kababaihang Pilipino at Indones sa mga salapi. Tatahiin ng artikulong ito ang paggamit ng (1) Araling Kabanwahan sa interkultural na ugnayan ng Pilipinas at ibang bayan at (2) Araling Pangkababaihan gamit naman ang Feminismong Bayan bilang mga batayang teoretikal.

Research paper thumbnail of Representasyon ng Kababaihang Manggagawang Pilipino sa Europa Batay sa Pelikulang Pag-ibig na Milan (2004) at Barcelona (2016) ni Olivia Lamasan

Bisig Journal 3(1): 43–72, 2021

Pinipilahan, dinadagsa, at pinapangarap ng bawat manggagawang Pilipino ang ginhawang hatid ng Eur... more Pinipilahan, dinadagsa, at pinapangarap ng bawat manggagawang Pilipino ang ginhawang hatid ng Europa. Ang mataas na halaga ng Euro sa pandaigdigang palitan, kakaibang benepisyo, at ganda marahil ng lugar – ang ilang salik kung bakit hinihila tayong magtrabaho sa nasabing kontinente. Hindi malaon, naging bukambibig na ang ginhawang hatid ng Europa. Pagbubuo na kaya ito sa ating kamalayan ng penomenong European Dream? Kitang-kita naman sa kung papaano tinangkilik ng mga Pilipino ang Europa sa mga pinilahang pelikula na tumuon dito. Kaugnay nito, bukod tangi ang pelikula na nasa direksiyon ni Olivia Lamasan, lalo na ang Milan (2004) at Barcelona (2016) na nagtanghal at sumentro sa Italya at España – mga malalaking konsentrasyon ng Pilipino sa Europa. Mababakas sa bawat karakter, dayalog, at paggalaw ang tipikal na imahe ng lipunang Pilipinong nangangarap, nakikibaka, at nagbibigay ng ginhawa – sa Europa bilang lupain ng pangarap.

Research paper thumbnail of Formalistikong Paglalandas sa Ginto’t Pilak (2021) nina Hidilyn Diaz at Eugene Evasco Tungo sa Pagpapahalaga sa Kinestetika at Palakasan ng Kababaihang Pilipino

Mabini Review 10(1): 85–101, 2021

Higit na pinatingkad ng kasalukuyang administrasyon ang pagmamaliit sa kakayahan ng kababaihang P... more Higit na pinatingkad ng kasalukuyang administrasyon ang pagmamaliit sa kakayahan ng kababaihang Pilipino na ating pinaghihirapang ibangon sa loob ng napakahabang siglo, at sa pagtatangkang ipanumbalik ang egalitaryadong lipunang prekolonyal ng mga Pilipino. Mula sa kung paano maliitin ang kapasidad ng isang babae na mamuno ng isang ahensya o bansa hanggang sa kung paano ginagawang katatawanan ang kultura ng impunidad katulad ng panghihipo, panggagahasa, pananakit, pang-aabuso, at iba pang mala-patriyarkal, misogynistiko, at machismong pananaw na itinatatak sa kamalayan ng mga Pilipino. Sa likod ng unos na ito sa Araling Pangkasarian at higit sa lahat, sa Araling Pangkababaihan, hindi natitinag ang ilang mga akademiko at iskolar na tumuklas at paibayuhin ang mga babasahing magtatanghal sa dangal ng kababaihan. Sa abot ng aking nalalaman, ang akda ng Feministang si Nancy Kimuell-Gabriel na Ang Araling Kababaihan at Kasarian sa Araling Pilipino at Wikang Filipino: Kalagayan at Hinaharap ay komprehensibong naglatag ng limpak-limpak na literaturang tumugaygay at kumakatig sa pagpapahalaga sa sektor ng kababaihan, gamit ang tematikong pagsasaray – pamilya at papel ng kababaihan; buhay at pakikibaka ng kababaihang maralita; kababaihan sa migrasyon; karahasan batay sa kasarian; disaster at vulnerabilidad; kababaihan sa bilangguan; sa mass media; sa sining at panitikan; sa mundong digital; relihiyon; etnisidad; pulitika at sekswalidad; at marami pang iba (Kimuell-Gabriel 50-61). Gayumpaman, mainam pa rin na palawigin ang pag-aapuhap sa talastasang ito, bukod sa mga nabanggit, panahon na para palagpasin pa natin ang tila-Orthodox na pagtingin sa mga babae bilang isang Ina, Ilaw ng Tahanan, o Asawa. Sa pagkakataong ito, ang pagdalumat sa mga babae bilang lundayan ng “kalakasan” na madalas na naka-umang sa katangian ng isang lalaki. Ito ang hatid ng akdang pambata nina Hidilyn Diaz at Eugene Evasco na Ginto’t Pilak: Ang Kuwento ng Olympian na si Hidilyn Diaz, nasa panayam ni Noel Ferrer, at Guhit ni Tristan Yuvienco.

Research paper thumbnail of Isang Pag-uugat sa Ugnayan ng Nepal at Pilipinas

Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 4(2): 40–63, 2021

This paper intends to explore the significance of Philippine society, culture, and interactions i... more This paper intends to explore the significance of Philippine society, culture, and interactions in today's multicultural and globalized world. As an epistemological approach, it aims to present an informative point of view on the Philippines' multifaceted relationships with other nation-states and cultural communities. Further, the paper seeks to present a preliminary analysis to introduce the two countries - Nepal and the Philippines - and their burgeoning and thriving diplomatic and cultural linkages. Because of the vast geographical, cultural, and political differences between the two countries: Nepal is situated in South Asia and the Philippines in Southeast Asia. The paper clings to the admittance that a limited extensive literature probes into the two nation-states. Nepal and the Philippines are rarely associated with historical parallelism, global trade, diplomatic ties, and migration. In addition to providing macro-perspectives and drawing from the literature of existing Nepal-Philippine relationships, the paper shares in-person narratives of the author during his brief stay in Nepal. Thereby providing a glimpse of how a Filipino perceives the Nepalese worldview. In view of this, the paper aims to expand the existing knowledge on depicting and analyzing the role of Nepal in the Philippines and the significance of the Philippines in Nepal.

Research paper thumbnail of Ang Manila Boy sa Lansangan ng Asya: Naratibong Ulat Tungkol sa Pampublikong Transportasyon sa Timog Silangang Asya

Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature 15(1): 120–161, 2021

Sa halos dalawang taong pananalasa ng COVID-19 sa buong daigdig, marami nang nabago sa kapaligira... more Sa halos dalawang taong pananalasa ng COVID-19 sa buong daigdig, marami nang nabago sa kapaligiran at mobilidad ng mga tao sa bawat lipunan. Kinasapitan at pumalaot ang lahat sa tinurang Bagong Kadawyan (New Normal) (hiram mula kay Reyes 2020) —isang transisyong pantao na lubhang nagpabago sa mga kinasanayang gawi. Nariyan ang pagbabago sa edukasyon, paghahanapbuhay, libangan, at mga transportasyon. Sa kaso ng mga manlalakbay, salot ang idinulot ng pandemya sapagkat pinaralisa nito ang daloy ng turismo at libangang pandaigdig. Kanselado ang lahat ng paglalakbay, limitado ang serbisyo ng mga pandaigdigang paliparan, at nagsasarahan ang mga prontera ng bawat bansa. Sa kaso ko bilang isang manlalakbay, naputol din pansamantala ang layuning pagaralan at turulin ang kahalagahan ng Asya sa Pilipinas at ang lugar ng Pilipinas sa Asya.

Sa aking mga naging paglalakbay bilang Manila Boy (lalaking nakatira sa Kalakhang Maynila) sa sampung bansa sa Timog Silangang Asya (2014—2018), marami akong gunita at alaalang maibabahagi sa katuturan ng mga Pilipino—panahong malaya at mayabong pa ang paroo’t paritong paggalaw ng mga tao. Mula ito sa aking mga karanasan at obserbasyon bilang manlalakbay kung bakit nakumpuni ang ganitong uri ng sanaysay at naratibong ulat. Mahalaga ang pagbabahaginang karanasan. Ayon sa kamamayapa pa lamang na teologo na si Jose de Mesa (2003), ang karanasan ng isang tao ay isang subhetibong pagpapakahulugan, interpretasyon, o pagtingin nito sa obhetibong realidad sa pamamagitan ng kanyang mga pandama (de Mesa 2003). Kaya’t sa pag-aaral na ito, aking maibabahagi ang ilang mga piling gunita ng aking paglalakbay na mayroong talab sa kasalukuyang dinaranas sa panahon ng pandemya

Research paper thumbnail of Mga Gunita sa aking Paglalakbay (2014-2018): Naratibo ng Overseas Filipino Workers sa Timog Silangang Asya at Europa

Dalumat E-Journal 7(2): 1–25, 2021

The article intends to present untold narratives from Filipino overseas migrant workers that the ... more The article intends to present untold narratives from Filipino overseas migrant workers that the author personally encountered and interviewed. Literature that primarily focuses on their quotidian lives is rarely discussed and written. The author used travel memoir as a primary method to describe his journey reflections while not neglecting academic inquiry relying on existing works of literature (secondary sources) to validate his observations. The author gathered significant pathways from his travels to engage in a historical search on the distinct and diversified cultures formed and transformed by Filipino overseas migrant workers. The scope and limitations of this paper are centered on Filipinos dwelling in particular countries in the Southeast Asian region as follows: Malaysia (2014), Singapore (2014), Cambodia (2017), Brunei Darussalam (2016), and Europe - solely focused on Spain (2018). This paper intends to contribute to the flourishing discipline of Diaspora Studies. Furthermore, it strives to offer significant literature on a particular sectoral field, Women's Studies. The paper also produced testimonial narratives that describe the intersectionality of Filipino women as migrant workers, except for the case of workers in Brunei Darussalam. The author has ascertained a multitude of insights, realizations, and overlying themes. For instance, Filipino overseas migrant workers in Malaysia experienced common themes of violence and struggles; determining Filipino spaces in Singapore; establishing Filipino identity and culture in Cambodia; realized opportunities and challenges from the phenomenon of transnationalism of some migrant workers in Spain; and coping mechanisms of some male migrant workers in Brunei. On the one hand, such writings may not be considered groundbreaking work on the creation of academic narratives. On the other hand, the author contends such themes of opportunities, struggles, and sacrifices of Filipino migrant workers narratives are diachronic - continuous through time.

Research paper thumbnail of Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal Bilang Mga Post-kolonyal na Babasahin: Isang Paglalarawan sa Umuusbong na Kultura ng Pagtuturo at Pagkatuto sa Mga Piling Paaralan sa Lungsod ng Marikina, Metro Manila

Kawing Journal 5(1): 11–54, 2021

The masterful works Noli Me Tangere (1887) and El Filibusterismo (1891) can be considered as post... more The masterful works Noli Me Tangere (1887) and El Filibusterismo (1891) can be considered as post-colonial writings because they are constantly studied and used as tools for raising awareness and remembering the violence and personal experiences of the Filipino society. This is an indirect description of the colonial period in the perspective of modern times. However, the teaching and appreciation of these writings become complicated because they are often neglected or otherwise considered as a subject that needs to be covered or completed within half a year or in just one semester. As far as the culture of teaching is concerned, it will also be discussed as a basic concept — whether a dominant or emerging culture revolves around this situation. Three things are highlighted in this study: observations, situations, and introductory descriptions in the teaching of the two novels. Aside from observations and analyses, data were also gathered through a survey for teachers and students in selected schools in Marikina City, Metro Manila.

Research paper thumbnail of Saysay ng Dogs in Philippine History sa Multidisiplinaryong Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino

Mabini Review 13(1): 267–280, 2024

Umalpas at/o umunlad na ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas—hindi na lamang ito isang kanoni... more Umalpas at/o umunlad na ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas—hindi na lamang ito isang kanonikal na pamamaraan na may pagkiling at humahango sa kinagisnang positibismong pananaw. Bagama’t kumakalas na roon ang ilang mananaliksik at historyador, hindi ito nangangahulugan ng pagtalikod sa pinagmulang pananaw, bagkus isa itong kaunlarang historiograpikal na habang isinasaalang-alang pa rin nito ang faktuwal na kaalaman, nilalakipan na ito ng samot-saring multidisiplinaryo at/o interdisiplinaryong pananaw na may pagkiling sa disiplinang kinabibilangan at inaambagan ng kaalaman. Humigit kumulang 700-pahina ang aklat ng historyador na si Ian Christopher Alfonso ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP)— ang Dogs in Philippine History (DPH)—na may 28-kabanata—sa aking pagbibilang, habang ginagabayan ng 503-piraso ng plate o larawan, 3 mapa, 5 talahanayan, 920 na talahuli, at 496 na sanggunian—ay hindi lamang isang historikal ngunit tematiko rin ang pagkakasalanlan. Ito ay maari rin gawing balangkas at salalayan ng susunod pang mga pagaaral na nagkakaroon ng interes sa kalikasan at kapaligiran.

Research paper thumbnail of Linga Travel: Dissecting Phallic Symbolism in South and Southeast Asian Context

Bidlisiw Journal, 3(2): 14–35, 2023

*BIDLISIW: A MULTIDISCIPLINARY SCHOLARLY JOURNAL, Volume 3, Issue 2, Special Issue on Travel Stud... more *BIDLISIW: A MULTIDISCIPLINARY SCHOLARLY JOURNAL, Volume 3, Issue 2, Special Issue on Travel Studies While growing up, I gradually realized the relevance of the body as discourse. Similar to the concept of somatic society, which was mentioned by Turner (1992), it is pivotal that discourses on the body be included in Philippine society in relation to the study of the body as tools for political and cultural discourses. During the period of my travels overseas 2013-2023, one phallic symbol caught my attention. I desired to go beyond the interpretation of an acquaintance when that person saw some of the phallic wall paintings in Bhutan when they posted on a Facebook wall and tagged them as “silly” and “sexually explicit.” Moreover, this essay aims to prove that this is beyond vulgarity since various Asian societies and communities have exhibited in-depth interpretations related to phallic symbols and phallus in general. This essay highlights the preliminary information gathered regarding phallic symbolism in some of the countries that I have been to: Nepal, Vietnam, Cambodia, Laos (Lao PDR), Thailand, and Indonesia.

Research paper thumbnail of Saysay ng Paminggalang-Bayan sa Kabataan at Kababaihan: Isang Pagsusuring Historikal

Makiling Review: An International Journal of Humanities 2(1): 116–150, 2023

Disyembre 2021 –ipinadala sa akin ni Eugene Evasco ang kalalabas pa lamang noon na akdang pambata... more Disyembre 2021 –ipinadala sa akin ni Eugene Evasco ang kalalabas pa lamang noon na akdang pambata, ang Papuntang Community Pantry (PCP) sa kadahilanan nais ko itong mabasa at mabigyan ng isang pagsusuri. Ahora mismo, nais kong bigyan ng merito at makabuluhang komendasyon at pagpupugay ang akdang ito nina Evasco at Aldy Aguirre na kanilang kinatha noong pandemya. Sa kabila ng napakaraming literatura, empirikal o siyentipikong pag-aaral, at lapit-kultural, politikal, o sosyolohikal ang lumitaw tungkol sa COVID-19, masasabing salat pa rin ang mga babasahin na eksklusibong pumaksa tungkol sa pandemya sa anyo ng panitikan. Kung hindi mapagkamalian, marahil ilan dito ay ang Dx Machina: Philippine Literature in the Time of COVID-19 na pinamatnugutan nina Vladimeir Gonzales (Gonzales, “Dx Machina 1,” “Dx Machina 4”) at Rolando Tolentino (Tolentino, “Dx Machina 2,” “Dx Machina 3”) ng University of the Philippines Institute of Creative Writing.

Research paper thumbnail of Bata, Bata, may Magagawa ka pa ba? Kalagayan at Hinaharap ng Panitikang Pambata sa Talastasang Pilipino

Pagdiriwang sa Haraya: Ang Panulaan at mga Aklat ng Impormasyon Para sa mga Bata, pp. vii–xiii, 2022

Tugano, Axle Christien J. 2022. Bata, bata, may magagawa ka pa ba? Kalagayan at hinaharap ng pani... more Tugano, Axle Christien J. 2022. Bata, bata, may magagawa ka pa ba? Kalagayan at hinaharap ng panitikang pambata sa talastasang pilipino. In Pagdiriwang sa haraya: Ang panulaan at mga aklat ng impormasyon para sa mga bata, authored by Eugene Y. Evasco, pp. vii–xiii. Manila: Aklat ng Bayan, Komisyon sa Wikang Filipino.

Research paper thumbnail of Ang Museolohiya sa Representasyon ng Identidad: Panimulang Paglalapit Mula Ibayong Dagat tungong Araling Pilipino

Diliman Review 65(1): 129–145, Oct 30, 2021

Mahalaga ang museolohiya sa pagturol ng identidad. Ito ang disiplinang nagdurugtong sa mga bagay ... more Mahalaga ang museolohiya sa pagturol ng identidad. Ito ang disiplinang nagdurugtong sa mga bagay na nahahawakan (tangible) at hindi nahahawakan (intangible). Maaari nating tuntunin ang isang kalinangan at Kasaysayan na mayroon ang isang lipunan sa pamamagitan ng museolohiya. Bagama’t ang sinuring aklat ay hindi direktang pumapatungkol sa Pilipinas, naniniwala namang may talab at maiuugnay ito sa kung ano ang naging karanasan ng Pilipinas at Canada bilang mga estadong nasa rehiyon ng Asya-Pasipiko. Gayumpaman, isa itong akdang nasa wikang Ingles na nirebyu gamit ang wika, pananaw, at kaunawaang F/Pilipino.

Research paper thumbnail of Chasing Waves: Reflections on Southeast Asian Fisherfolk

Asian Studies: Journal of Critical Perspectives on Asia 57(2): 193–200, 2021

From 2014 to 2018, I travelled to the ten countries of ASEAN, and one of the things I learned is ... more From 2014 to 2018, I travelled to the ten countries of ASEAN, and one of the things I learned is to accept a unified ASEAN heritage, including all of its cultural and political disparities. I remember the narratives from ordinary, marginalized people across the region, with whom I prefer interacting—transportation drivers, agricultural workers, fisherfolk, and other bluecollared workers—because I learn much from them. It’sa sentiment akin to that of Randy David, who, in his book, Understanding Philippine Society, Culture, and Politics (2016), highlights the value of cab drivers. Familiar with the geographical space and cognizant of their societyʼs surroundings (David 2016), drivers serve as gatekeepers to tourists and newcomers alike, the first to welcome, introduce, and converse with them.

Research paper thumbnail of Pagsusuri sa Maskulinidad ng Pag-ibig Batay sa Pelikulang Milan (2004) ni Olivia Lamasan

Dalumat E-Journal 7(1): 73–78, 2021

Integral ang ginagampanang papel ng lalaking karakter sa mga pelikulang Pilipino. Madalas na nagi... more Integral ang ginagampanang papel ng lalaking karakter sa mga pelikulang Pilipino. Madalas na nagiging batayan ng pagiging "maganda" ng isang pelikula kung ito ay pinagbibidahan ng isang lalakeng sikat, guwapo, romantiko, at malakas ang sex appeal. Bagama't ang mga ganitong pamantayan ay isang panlabas na kaanyua, higit pa rito ang idinidikta ng pelikula sa pagiging "lalake" ng mga lalake. Malinaw ang karaniwang papel ng mga leading man ng mga tradisyunal na pelikulang Pilipino, bilang sadista o mahilig sa bakbakan (Rodriguez 2013) katulad nina Fernando Poe Jr. na parating nagliligtas ng kanyang mga mahal sa buhay at bilang mga matinee idol. Sa sukdulang paglalarawan, hindi nasusuwag o kahit nasasaktan man lang. Kaya't maaaring ilapat dito kung paano tinatrato ang "pagkalalake" ng mga Pilipino pagdating sa pelikula. Sa lipunang Pilipino, ang pagiging lalake ay empirikong nakapako sa pagkakaroon ng aring panlalake (tite, phallus, at bayag) bilang panlabas na kaayuan (de Castro 1995; Tolentino 2000) kung kaya't dapat lamang umayon ang mga karakter sa mga tipikal na katangian ng isang matinee idol.

Research paper thumbnail of Ugnayang Australia at Pilipinas: Mga Natatanging Gunita ng Diaspora at Rebolusyong Pilipino

Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 3(2): 119–135, Dec 30, 2020

Kapwa nakalatag sa heograpikal, ekonomiko, at kultural na aspekto ng Asya-Pasipiko ang bansang Au... more Kapwa nakalatag sa heograpikal, ekonomiko, at kultural na aspekto ng Asya-Pasipiko ang bansang Australia at Pilipinas. Bagama’t kaiba sa kontinenteng kinaroroonan, mababakas pa rin ang dimensiyong nag-uugnay sa dalawang estado ng Pasipiko. Kung uungkatin ang kasaysayan, napakatibay ang ugnayang namamagitan sa Australia at Pilipinas sapul pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig o ang pagpapalaya sa Pilipinas laban sa puwersa ng mga Hapones nang tumakas tungong Australia sina Pangulong Manuel Quezon at buong pamilya noong Pebrero 19, 1942. Ngunit kung tutuusin, sa ganitong kaganapan at alaala lamang nakapako ang ating kamalayan sa tuwing ginugunita natin ang relasyon ng dalawang bansa. Marami pa ang hindi nabubuksan at nabibigyan ng pansin sa kanilang pinag-isang kasaysayan at direktang ugnayan sa kadahilanang hindi ito napaglalaanan ng tuon at pagpapahalaga sa historiograpiya ng mga Area Studies o disiplinal na pag-aaral ng kasaysayan ng ibayong dagat. Katulad ng ilang mga nauna at pagtatangkang pag-aaral, aambagan ng rebyung ito ang pagpupunla, pagpapahalaga, at pagpapaunlad sa ugnayang kultural na mayroon ang Australia at Pilipinas.

Research paper thumbnail of Ugnayang Tsino't Pilipino sa Buhay at Kamatayan: Isang Panimulang Pagbalangkas

Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 2(1): 66–83, Jun 30, 2019

Nabigyan ng pagpapahalaga ang komprehensibong pagdalumat sa relasyong Tsino at Pilipino sa buhay ... more Nabigyan ng pagpapahalaga ang komprehensibong pagdalumat sa relasyong Tsino at Pilipino sa buhay at kamatayan sa isang aklat na pinamagatang Himlayan, Pantiyon, Kampo Santo, Sementeryo: Exploring Philippine Cemeteries (2016) na pinamamatnugutan ni Dr. Grace Barretto-Tesoro ng Programa sa Araling Arkeolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng isang daan at apatnapu’t dalawang (242) pahina at limang (5) kabanata-- [1] Angels on Earth: Investigating Infant and Children Burials in Manila Cemeteries ni Grace Barreto-Tesoro (pah. 1-39); [2] Angels and Dragons in the Manila Chinese Cemetery nina Donna Mae N. Arriola at Eleanor Marie S. Lim (pah. 41-80); [3] Ang Mamatay ng Dahil sa iyo: Patriots’ Graves at Manila Cemeteries and Neighboring Provinces ni Andrea Malaya M. Ragragio (pah. 81-153);[4] Death, Grief, and Memorial: A Review of the Boy Scouts Tragedy of 1963 nina Kathleen D.C. Tantuico at Omar K. Choa (pah. 155-168); at [5] Colonial Period Cemeteries as Filipino Heritage ni Michelle S. Eusebio (pah. 169-197). Sa limang kabanatang ito, mas higit na binigyan ng pansin at lapatan ng anotasyon ang ikalawa dahil tahasan tumatalakay ang artikulong ito sa mayaman at makakultural na ugnayan ng Pilipinas at Tsina bilang mga Asyanong bansa pagdating sa konseptwalisasyon ng kamatayan.

Research paper thumbnail of Paglapat ng Istorya sa Dalumat ng Ugnayang Pilipinas at mga Asyanong Bansa

Tala Kasaysayan: An Online Journal of History 1(2): 57–75, Dec 2018

Sa bawat aklatan o sabihin pang mga bookstores, hindi talaga nawawala ang sikat na sikat na mga a... more Sa bawat aklatan o sabihin pang mga bookstores, hindi talaga nawawala ang sikat na sikat na mga aklat ni Ambeth Ocampo. Isa na rito ang labintatlong tomo ng Looking Back na tumatalakay sa iba’t ibang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong mga panahong nag-aaral pa ang may-akda sa PUP ng kursong Kasaysayan, walong serye pa lamang ng Looking Back ang nailathala at sabihin pang nabasa niya—Looking Back (2010); Dirty Dancing (2010); Death by Garrote (2010); Chulalongkorn’s Elephants: The Philippines in Asian History (2011); Rizal’s Teeth, Bonifacio’s Bones (2012); Prehistoric Philippines (2012); Storm Chasers (2014); at Virgin of Balintawak (2014). Hindi naglaon, tila bagang isang palos ang pagkakalathala ng mga sumunod pang mga akda—Demonyo in Tables: History in Artifacts (2015); Two Lunas, Two Mabinis (2015); Independence X6 (2016); Quezon’s Sukiyaki (2016); at Guns of the Katipunan (2017). Sa mga nabanggit na akda ni Ambeth Ocampo, ang Chulalongkorn’s Elephants: The Philippines in Asian History ang higit na pinagtuunan ng pansin at diin ng rebyuwer. Sa kasalukuyang pagkakataon, ilalatag ng rebyuwer sa papel na ito ang kanyang mga natatanging komendasyon (kalakasan) at kritik (kahinaan) hinggil sa 102-pahinang aklat ni Ocampo. Sisipatin din ang kanyang pagkakadalumat sa ugnayan ng Pilipinas sa mga Asyanikong bansa na siya naman talagang dapat maging tunguhin ng rebyung ito.

Research paper thumbnail of Ang Dalawang Bayani ng Bansa (2007) ni Rene O. Villanueva sa Konteksto ng Dikotomiyang Rizal at Bonifacio sa Historiograpiyang Pilipino

Bata, Hiwaga, Bansa: Pamana ni Rene O. Villanueva sa Panitikang Pambata, pp. 45–97, 2023

Mula sa samot-saring tema ng mga akdang pambata ng premyadong manunulat na si Rene O. Villanueva ... more Mula sa samot-saring tema ng mga akdang pambata ng premyadong manunulat na si Rene O. Villanueva (1954-2007), isa sa kaniyang mahahalagang legasiya ay yaong kaniyang pagtugaygay sa talambuhay ng ilang mga bayaning Pilipino, na nauunawaan ng kahit na sino. Sa huling sandali ng buhay ni Villanueva, hindi na niya nasaksihan sa kasalukuyan ang pataksil na pagkatay ng pamahalaan sa Philippine History sa kurikulum ng bansa. Kaya’t nanganganib na malimot ng mga susunod na batang henerasyon ang kanilang mga bayani. Ilan sa mga akdang pambayani ang naiambag ni Villanueva ay Soliman (1980); Pag-aalsa sa Cavite (1981) na nagpakilala ng GOMBURZA sa mga bata; ang dulang Huling Gabi sa Maragondon (1983) na nagtanghal kay Bonifacio; ang mitikal na si Kalantiaw (1994); Dagohoy (2002); Mabini (2004) maging ang kababaihan na sina Teodora (1993); Gregoria (1993); Josefa Llanes Escoda (2001); at Melchora Aquino (2001). Ngunit, bukod tanging susuriin sa artikulong ito ang akdang Dalawang Bayani ng Bansa (2007) sa kung paano inilarawan, itinuro, at iminarka ni Villanueva sa kamalayan ng kabataan ang kritikal na buhay nina Jose Rizal at Andres Bonifacio– na aniya ang una’y “Ama ng Bansa” samantalang “Ama ng Himagsikan” naman ang huli at pinag-isa bilang “Ama ng Lahing Filipino.” Isang repleksiyon ng nangingibabaw na diskurso sa historiograpiya (mainstream) ang dikotomiyang pagtingin na ito sa dalawang katauhan nina Rizal at Bonifacio na naging matinding usapin mula pa noong dekada 1950 hanggang sa kasalukuyan; kultural na paghahanay sa bayan vs. elit; ekonomikong paghahanay sa proletaryado vs. burgesya; at iba pang tunggalian. Paano nagkaroon ng boses ang akdang ito ni Villanueva sa mga nasabing tunggalian?

Research paper thumbnail of Bantayog ng mga Bayani: Natatanging Monumentong Pilipino

Panata sa Kalayaan, Vol. 1, Orihinal at Salin ng mga Dokumento, Pahayag, Talumpati, Lathalain, at Iba pa at Salin ng mga Artikulo, Saliksik, Pormal na Sanaysay, at Iba pa, pp. 102–122, 2023

Isa ang Batas Militar sa mga yugto ng kasaysayang Pilipino ang hindi dapat mawaglit sa gunita at/... more Isa ang Batas Militar sa mga yugto ng kasaysayang Pilipino ang hindi dapat mawaglit sa gunita at/o alaala ng bawat mamamayan, hanggang sa mga susunod na salinlahi. Kasabay ng aprubasyon na magkaroon ng kursong Philippine Studies 21 (PS 21): Wika, panitikan, at kultura sa ilalim ng Batas Militar sa inisyatiba ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman (Corrales, 2019), napapanahon din ang pag-aaral sa kasaysayan ng Batas Militar. Isa sa primaryang layunin nito ay tipunin ang mga kaugnay na babasahin, literatura, limbag o di-limbag nang sa gayo’y maimulat ang kamalayan ng sambayanan na ngayo’y sinusubok ng historikal na distorsiyonismo o paunti-unting pag-alis ng disiplinang ito sa akademiyang Pilipino. Liban sa mga babasahin, isa ang talumpati sa mga posibleng paghugutan ng kamalayang pangkasaysayan. Bukod sa primaryang batis ang katangian nito–sapagkat ang rhetor, orador, o tagapagsalita ay mismong nasusukluban ng personal na danas, makapaghahatid ito ng makabuluhang mensahe para sa mga tagapakinig. Ani Triadafilopoulos (1999), political speech is future oriented; that is, it involves recommending one of a number of policies or courses of action. Ngunit sa usapin ng burukrasya at politika, mangilan-ngilan lamang ang mga talumpating may malalim na talab sa kasaysayan. Karamihan ay nagpapakatianod sa tinatawag na self-centered speeches na kung saan palaging ipinamamalas ang kanilang mga nagawa sa bayan, mga plano, at kung anu-ano pang mga pagtatanghal.

Research paper thumbnail of Ang Representasyon kay Raden Adjeng Kartini (1879-1904) sa Dalawang Pangkasaysayang Pelikulang Indones

Kulturang Popular na Asyano, pp. 151–216, 2023

This article will point out some Indonesian historical films as an indication of the rich popular... more This article will point out some Indonesian historical films as an indication of the rich popular culture of Southeast Asia. In Indonesia, their representation in films has long been suppressed due to the dominance of Western films (1990-1920); Japanese films (1942- 1945); and the censorship by past dictatorships (1945- 1998). During the so-called Post-Soeharto Era (2000- Present), Indonesian films flourished, particularly those that focused on the Life History of their revered heroes. These include films focusing on Raden Adjeng Kartini (1879-1904), who is recognized as one of the main sowers of the women’s movement in Indonesia during the transition period of the 18-19th centuries. This article will review two films that featured Kartini’s life—The Postman and Kartini (2016) as an example of a film that uses history as context and Kartini: Princess of Java (2017) as an example of a film as direct historical representation. Films will be evaluated based on four types of reading texts— textual, contextual, subtextual, and intertextual analyses. This article will also sew together the comprehensive relationship of Area/Intercultural/ Interpeople Studies, Southeast Asian Studies, and Women’s Studies from a pro-Asian framework.

Research paper thumbnail of Kapookan ng Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat sa Konteksto ng Banwa at Layag sa Wikang Filipino

Banwa at Layag: Antolohiya ng mga Kuwentong Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat, pp. 1–81, 2023

Introduksiyon. Sentro ng kabuoang aklat na ito ang paglalakbay –partikular na ang paglalakbay ng ... more Introduksiyon. Sentro ng kabuoang aklat na ito ang paglalakbay –partikular na ang paglalakbay ng mga Pilipino gamit ang pananaw at wikang F/Pilipino. Sa ilang pagkakataon, isa ang paglalakbay sa hindi gaanong nabibigyan ng pansin sa pag-aaral ng lipunan, sa kabila ng pinagyayaman na itong matagal sa Kanluran at marahil isa ng ganap na diskurso. Mababakas ito sa kanilang pagpapakahulugan sa mga taong naglalakbay. Halimbawa nito ang mga Pranses na voyageur at Anglo-Amerikanong katumbas sa paglalakbay bilang trip, travel, at voyage (Almario 2010, 1274-1275, 1325) at sa napakaraming kasingkahulugan gaya ng adventurer, commuter, migrant, passenger, pilgrim, sailor, tourist, drifter, excursionist, globe-trotter, itinerant, voyager, navigator, nomad, sightseer, tripper, vagabond, wanderer, expeditionist, jetsetter, at iba pa (Thesaurus 2022). Sa Pilipinas, madalas pa ngang gamitin ang mga Espanyol-Filipino na mga salita katulad ng biyahe (viaje); ekspedisyon (expedicion); nabegasyon (navigacion); at embarkasyon (embarcacion) (Almario 2010, 181, 322, 328, 806) –sa kabila ng mayaman ang mga Pilipino sa konseptong ito.

Research paper thumbnail of Paglilinang sa Araling Pangmanlalakbay sa Diwa ng Araling Kabanwahan: Isang Panimulang Pagdalumat

Hugpungan: Katutubong Kaalaman at Interdisiplinaridad sa Panahon ng Krisis, pp. 174–257, 2022

Tugano, Axle Christien. 2022. Paglilinang sa Araling Pangmanlalakbay sa Diwa ng Araling Kabanwaha... more Tugano, Axle Christien. 2022. Paglilinang sa Araling Pangmanlalakbay sa Diwa ng Araling Kabanwahan: Isang Panimulang Pagdalumat. In Hugpungan: Katutubong Kaalaman at Interdisiplinaridad sa Panahon ng Krisis, edited by Jomar Adaya, Joseph Reylan Viray, Alondra Gayle Sulit, and John Christian Agudera, pp. 174-257. Manila: Center for Philippine Studies, Polytechnic University of the Philippines.

Research paper thumbnail of Pangingibang Bayan Bilang Pag-aaral sa Ibang Kalinangan: Ang Lakbay-Aral na Akademiko sa Timog Silangang Asya

Pangangayaw: Ang Pangingibang-Bayan at Paghahanap ng Ginhawa sa Kasaysayan at Kalinangang Pilipino, pp. 353–388, 2021

Kasabay ng pag-unlad ng Pantayong Pananaw ang paglinang din sa Araling Kabanwahan bilang isang le... more Kasabay ng pag-unlad ng Pantayong Pananaw ang paglinang din sa Araling Kabanwahan bilang isang lente ng pagsusulong na rin ng Araling Pang-Erya. Ipinamamalas ng Araling Kabanwahan ang pag-aaral sa kasaysayan ng ibang bayan/ibayong bayan/karatig na mga bayan. Tunay nga namang hindi lamang patungkol sa sariling kabihasnan ang pag-aaral ng kasaysayan. Kailangan din nating dalumatin ang samu’t saring relasyon o ugnayan (tahasan o indirekta) ng Pilipinas sa mga karatig-bayan nito. Kung kaya’t dito uusbong ang pagtutok sa kahalagahan ng Araling Timog Silangang Asya.

Isa sa mga nakikitang posibleng metodolohiya upang matunton ang kasaysayan ng huli ay ang pagbisita at paglalakbay bilang turista ngunit mayroong okular at lalim ng pagmamasid sa mga pook. Mababanaag sa papel na ito ang integral na esensiya ng tinatawag na personal na danas ng mananaliksik bilang porma ng pagkatuto/edukasyon nang siya ay magtungo sa mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) – Kanlurang Malaysia (2014 at 2018); Singapore (2014, 2017, at 2018); Cambodia (2015 at 2017); Thailand (2015 at 2017); Brunei Darussalam (2016); Vietnam (2017); Laos (2017); Silangang Malaysia (2016); Indonesia (2018); at Myanmar (2018).

Layunin ng artikulong ito na makapagbigay ng mga posibleng paksa na maaaring maging dulog sa pagtalunton, pagsasadiwa, at pagsasakasaysayan ng Araling Kabanwahan. Sa kasong ito, makasusumpong lamang tayo ng kaalaman mula sa ibayong dagat kung lalangkapan natin ng obhektibong pakikinig (pansila); pagmamasid (pang-ako); at paglalasa (pantayo). Liban dito, maaari rin itong maging panimulang hakbang upang mabago ang mababaw na pagtingin sa paglalakbay at maiahon ang kanyang antas bilang bahagi ng iskolarsyip sa pag-aaral ng kasaysayan.

Research paper thumbnail of Pagtatampok sa Akademikong Rebyu ng mga Aklat ng Saliksik E-Journal: Mga Daloy at Tunguhin sa Talastasang Pilipino

19 Rebyu Kontra COVID-19: Kalipunan ng mga Panunuring Aklat sa Agham Panlipunan, Teolohiya at Panitikan, pp. 205–248, 2021

Sa kabila ng napakaraming aklat na inilalathala taun-taon, sa iba't ibang disiplina, perspektiba,... more Sa kabila ng napakaraming aklat na inilalathala taun-taon, sa iba't ibang disiplina, perspektiba, at pananaw, siya namang hindi lipos ang mga naililimbag, kung hindi man, naisusulat na mga akademikong rebyu ng mga aklat o panunuring-aklat. Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga panunuring-aklat sa talastasang pantao at lalo na sa akademiya. Hindi lamang ito isang simpleng paglalahad sa nilalaman ng aklat, bagkus higit nitong kinapapalooban ang mga kritikal na pagpapasya, pagkilatis o pagsusuri, at pag-apuhap ng mga kaalaman mula sa binasang mga akda patungo sa pagbubuo at kapakinabangan ng bayan o sariling talastasan

Research paper thumbnail of Hermano Puli at Imam Bondjol at ang Kanilang mga Kilusang Mapagpalaya sa Timog Silangang Asya: Mga Tala sa Tungkulin ng Bayan sa Pagyabong ng Kasaysayang Panlipunan

Independencia 1843: Ang Rehimentong Tayabas sa Daloy ng Kasaysayan ng mga Kilusang Mapagpalaya, pp. 107–145, Jan 2019

Bago matapos ang dantaon 19, umusbong ang mga kilusang mapagpalaya kontra kolonisador sa iba’t ib... more Bago matapos ang dantaon 19, umusbong ang mga kilusang mapagpalaya kontra kolonisador sa iba’t ibang kapuluan ng Pilipinas at Indonesia (mga bansang kabilang/kaugnay ng Dunia Melayu). Isa sa mga iginigiit na dahilan ng bawat bayan (negara ng Indonesia) ay ang malawakang reporma hinggil sa relihiyon/paniniwala – pagpapanatili, pagbabago, o di kaya’y pakikisangkot. Sapul pa noong panahong dati, patuloy nang pinahahalagahan ng bawat katutubong Malayo/Austronesyano ang kanilang paniniwala na malalim ang pagkaka-ugat sa kapangyarihan at impluwensiya ng kanilang kapaligiran at sabihin pa’y pinamumunuan ito ng mga lider (i.e. babaylan para sa mga sinaunang Pilipino at pawang/dukun sa mga katutubong Indones). Sa pagpasok ng kolonisasyon ng sa mundo ng mga Melayu, nagkaroon ng malawakang pagkitil sa lipunan at mga katutubong paniniwala/tradisyon. Kung niyakap man nila ang ipinakilalang relihiyon ng mga dayuhan, nawalan naman sila ng pakikisangkot kung kaya’t nagbunsod ito sa pagbubuo ng mga kalat-kalat na kilusan. Sa kabila ng malalim na koneksyon ng mga katutubo sa kanilang lumang paniniwala, hindi nakapagtataka kung bakit katuwang nila ang kabuuang salik nito sa pagbubuo at adhikain ng mga kilusan. Ito ang direktang dahilan kung bakit sila binansagan ng mga Kanluranin bilang mga mesyaniko, kilyastiko, at panatiko.

Itinatampok sa pag-aaral na ito ang komparatibong pag-aaral sa mga kilusang mapagpalaya na naka-ugat sa relihiyon noong kalagitnaan ng dantaon 19. Muling tatalakayin ang pagbubuo ng Cofradia de San Jose (1832) ni Hermano Puli ng Tayabas, Pilipinas laban sa mga prayleng Kastila. Pagkatapos nito’y ihahalintulad naman ang huli sa mga kilusang panrelihyon na nabuo sa ibayong dagat katulad ng Digmaang Minangkabau (1803-1837) ni Tuanku Imam Bonjol ng Kanlurang Sumatra, Indonesia laban sa mga kasangkot at sulsol na Holandes sa pagwasak ng katutubong paniniwala at panloob na relasyon.

Research paper thumbnail of Pagsasara ng Tabing: Konklusyon sa Makabuluhang Mentoring ni Dr. Zeus A. Salazar

Martes sa Escaler, Bagong Kasaysayan Inc., pp. 161–165, 2019

Research paper thumbnail of Banwa at Layag: Antolohiya ng mga Kuwentong Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat

TUNGKOL SA PABALAT. Kuhang larawan sa El Nido, Palawan noong Hunyo 2022. Sinasagisag ng isla ang... more TUNGKOL SA PABALAT.

Kuhang larawan sa El Nido, Palawan noong Hunyo 2022. Sinasagisag ng isla ang “banwa” o “bayan” samantalang sasakyang panlayag naman ang bangka. Ang bangka ay nagkakaroon ng tuwid na direksiyon dahil sa katig na responsable sa pagkabalanse ng sasakyang pandagat upang hindi lumubog at lamunin ng mga naglalakihang alon dulot ng samo’t saring balakid gaya ng malalakas na hangin o bagyo. Gayundin ang angklang itinatanim sa kailalimang lupa ng karagatan upang hindi tangayin ang bangka mula sa isla. Senyales ito ng pananatili at pagbabalik mula sa sakripisyong pinagdaanan sa paglalakbay. Ang tatlong passport stamp sa likurang bahagi ng aklat ay ang Pilipinas, Madagascar, at Easter Island sa Chile. Tinawag ito ni Salazar bilang “ibayong Timog Silangang Asya” upang tukuyin ang kultural na pagkakatulad, pagkakaugnay/pag-uugnay-ugnay, at pagkakaugat ng mga nasabing pamayanan sa mundong Austronesyano.

Research paper thumbnail of 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar

Introduksiyon 50-50. Fifty-fifty. Sa bigkas ng mga Pinoy,“pipti-pipti.” Sa kontekstong Pilipino, ... more Introduksiyon 50-50. Fifty-fifty. Sa bigkas ng mga Pinoy,“pipti-pipti.” Sa kontekstong Pilipino, pantukoy ito sa kalagayan ng taong nasa kritikal na kalagayan. Limampung porsyento ng tsansang makaligtas, limampung porsyento ng tsansang masawi. Kilala ito sa iba pang katawagan sa Pilipinas bilang “naghihingalo,”“nasa bingit ng kamatayan” o “nag-aagawbuhay.” Ganito mailalarawan ang kalagayan ng lipunang Pilipino sa ilalim ng Batas Militar ni Ferdinand Marcos, Sr. Para sa mga pabor sa Batas Militar at mga loyalista ni Marcos, 50-50 dahil sa banta raw ng komunismo at tangkang pagpapabagsak sa Republika. Para sa mga kritiko’t lumaban sa diktadura, 50-50 dahil sa pang-aabuso’t paniniil ng rehimen laban sa taumbayan. 50-50. Ito ang sa tingin nami’y nababagay na pamagat ng aklat na ito. Una, ginugunita ng sambayanang Pilipino ngayong 2022 ang ika-50 taong anibersaryo ng Batas Militar. Idineklara ni Marcos noong Setyembre 21, 1972 ang Proclamation 1081 na naglagay sa buong bansa sa ilalim ng kamay na bakal. Pangalawa, itinatampok ng aklat ang 50 personalidad na may mga direkta at aktibong papel para o laban sa Batas Militar. Dalawampu’t lima (25) ang nagmula sa bakuran ng rehimeng Marcos. Bukod sa diktador at kanyang pamilya, sila ang mga pangunahing tagapagbalangkas at tagapagpatupad ng Batas Militar. Kasabwat sila sa kabuuang operasyon ng mga mekanismo ng awtoritaryanismong ito–mapapulitikal, ekonomiko o sosyokultural man. Sila rin ang mga nakinabang, kung hindi man nagpakasasa, sa lahat ng mga ganansyang dulot ng kolaborasyon at paglilingkod sa diktadura

Research paper thumbnail of MARTES SA ESCALER: KLASE SA HISTORIOGRAPIYA NI DR. ZEUS SALAZAR